18/08/2026
Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng bigas at hygiene kits bilang personal na tulong mula Convergence Staff Kalamansig para sa kabuuang 28 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Old Market, Kalamansig, Sultan Kudarat.
Ang gawaing ito ay isang convergence initiative ng iba't ibang programa ng DSWD, na nagkaisa upang maipaabot ang agarang tulong at suporta sa mga pamilyang naapektuhan ng insidente. Kabilang sa mga programang nakiisa ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Sustainable Livelihood Program (SLP), PDBBM, at KALAHI-CIDSS.
Sa panahon ng pagsubok, ipinakita ng mga programang ito na higit na nagiging makabuluhan ang serbisyo kapag pinagtutulungan. Ang simpleng tulong na naihatid ay nagsisilbing paalala sa mga pamilyang naapektuhan na hindi sila nag-iisa sa pagharap sa kanilang pinagdaraanan.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kawani, programa, at katuwang na naglaan ng oras, suporta, at malasakit upang maging matagumpay ang aktibidad. Sa pagkakaisa at bayanihan, mas napapalakas natin ang pagbangon ng bawat pamilyang nasalanta. β€οΈπ€
DSWD at mga programang nagkakaisa para sa agarang serbisyo at malasakit sa bawat pamilyang nangangailangan. π΅π