23/07/2026
Hulyo 23, 2026
Capacity Development Training for Manila Bay Task Force at Manila Bay Clean Up Team (MBTF/MBCU) and Municipal Solid Waste Management Board (MSWMB)
Isinagawa ang presentasyon sa tulong teknikal ng mga mahuhusay na tagapagsalita mula sa DILG Laguna na sina; Ma’am Maria Isabel Llanto, Cluster Head (Cluster B) at MLGOO ng Bayan ng Kalayaan Ma’am Jennifer Tolentino at mula sa Region Office, Mr. Rovi Ocdamia. Hinggil sa Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program upang palakasin ang kaalaman ng mga kalahok sa pagpapatupad ng mga batas at programang pangkalikasan. Tinalakay ang mandato ng mga Local Government Unit (LGUs), mga pangunahing resulta ng 2024 Manila Bayani Awards and Incentives (MBAI) Assessment, at ang mga rekomendasyon upang higit pang mapabuti ang pagpapatupad ng mga programa sa liquid waste management, solid waste management, at pamamahala sa mga easement at daluyan bg tubig.
Isinagawa din ang presentasyon ng Three-Year Action Plan bilang gabay sa patuloy na pagpapaigting ng mga programa ng Pamahalaang Bayan ng Kalayaan sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapatupad ng mga inisyatiba ng Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program.
Nakatuon ang plano sa pagpapalakas ng liquid waste management, solid waste management, regular na pagmamanman sa kalidad ng tubig, pagpapalawak ng mga pakikipag-ugnayan sa iba't ibang ahensya, at mas pinaigting na Information, Education, and Communication (IEC) campaigns. Layunin nitong mapataas ang antas ng pagsunod sa mga pamantayan sa pangangalaga ng kapaligiran at makamit ang mas maayos, ligtas, at napapanatiling pamamahala ng basura at likas na yaman.
Sa sama-samang pagkilos ng pamahalaan at ng komunidad, patuloy nating isusulong ang isang mas malinis, mas ligtas, at mas luntiang Kalayaan para sa susunod na henerasyon.
Maraming salamat po!
”Serbisyo Para sa Lahat”
“Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malakasakit”