11/01/2026
DRAINAGE MASTER PLAN SA KALIBO, INIREKOMENDA NA MULING TINGNAN AT PAG-ARALAN RE: PAGBAHA NA NARANASAN
Isinusulong ngayon ang isang resolusyon sa Sangguniang Bayan ng Kalibo na matingnan at muling pag-aralan ang drainage master plan sa naturang bayan.
Sa panayam kay ABC President Niel Candelario, sinabi nitong ang hakbang ay matapos ang naranasang mga pagbaha sa ilang bahagi ng Kalibo dahil sa halos walang humpay na pag-ulan kamakailan lamang.
Sa kabila aniya na pag-ulan lamang at walang bagyo, nakaranas pa rin ng mga malalim na pagbaha sa ilang Barangay at maging sa mga lugar na hindi inaabot noon ng baha ay hindi rin nakaligtas matapos pasukin ng tubig ang kanilang mga tahanan.
Dahil dito, dapat lamang aniya na muling tingnan at pag-aralan ang nasabing plano kung ano ang pwedeng gawin o baguhin para hindi na muling maranasan ang mga kahalintulad na pangyayari.
Ipinunto rin ni Candelario na posibleng hindi na applicable ang mga disenyo at plano noon dahil maliban sa climate change ay marami na ring nagbago sa kasalukuyan katulad na lamang ng mga itinatayong istraktura, bahay, at daan na pwedeng makaapekto sa daloy ng tubig na nagiging dahilan para maipon at magdulot ng pagbaha.
Not the actual photo (for illustration purposes only)
✍TERESA IGUID
VIA| MICHAEL SELORIO
Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
D3BIO, DTX500, MIGHTY CEE, DTX COFFEE MIX
👉Mabibili sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmeña Ave., Kalibo, Aklan.
For More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208
MAKINIG SA KAMPEON NA ISTASYON SA KALIBO, ANG K5 NEWS FM 94.5
BANDERA NOON, K5 NEWS FM NA NGAYON!