28/08/2026
๐๐๐ฅ๐๐๐ง ๐๐๐ก๐: ๐ง๐๐ซ ๐ฅ๐๐๐ข๐ฅ๐ ๐ฆ & ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก-๐๐จ๐๐๐๐๐ก๐
๐๐ผ๐๐ฝ๐๐ฝ๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐ผ๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐
Sa episode na ito, ibinahagi ni BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza kay DZRH anchor Cesar Chavez, sa kanilang panayam noong Agosto 8, 2026, ang mga tax relief measures na ipinatutupad ng Bureau.
Una ay ang one-time tax abatement na maaaring i-avail ng mga kwalipikadong microtaxpayer hanggang Disyembre 31, 2026. Pangalawa ay ang pinalawig na listahan ng VAT-exempt na mahahalagang gamot, na umabot na sa 2,277 gamot para sa cancer, diabetes, hypertension, at kidney disease.
Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation Address ang mga tax relief measures na nagbibigay-ginhawa sa mga taxpayer. Sa ilalim ng kaniyang pamumuno, at katuwang si Finance Secretary Frederick D. Go, patuloy na isinusulong ng BIR ang pagbubuwis na patas, may malasakit, at nakasentro sa kapakanan ng taxpayer.