05/08/2026
LIBRENG THEORETICAL DRIVING COURSE SA ANDAGAO
Magkakaloob ng libreng Theoretical Driving Course (TDC) ang Land Transportation Office (LTO) โ Aklan, katuwang ang Sangguniang Kabataan (SK) โ Andagao, para sa mga residente ng Barangay Andagao.
Gaganapin ang programa sa Agosto 11, 2026 (Martes), mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.
Layunin ng libreng TDC na mabigyan ng pagkakataon ang mga nagnanais kumuha ng Student Driver's Permit na makumpleto ang kinakailangang pagsasanay nang walang bayad.
Gayunman, kailangang sagutin ng bawat kalahok ang โฑ650 na bayad para sa medical examination at Student Permit fee.
Kabilang sa mga kailangang ihanda ang alinman sa mga sumusunod na valid identification documents:
PSA Birth Certificate
Passport
National ID
Kinakailangan ding magkaroon ng LTO LTMS Portal account. Dapat magparehistro sa portal.lto.gov.ph at maghanda ng screenshot ng LTMS Portal account na malinaw na nagpapakita ng LTO Client Number.
Limitado lamang ang mga slot kaya hinihikayat ang mga interesadong residente na agad na magpareserba sa pamamagitan ng SK โ Andagao page, sa kanilang pinakamalapit na SK Official, o sa Barangay Hall.
via: Sangguniang Kabataan - Barangay Andagao