4Ps Kalibo

4Ps Kalibo Government Program for Poverty Alleviation

ADVISORY ๐Ÿ“ฃIn light of the impending threat of Severe Tropical Storm Tino, work in the Department of Social Welfare and D...
02/11/2025

ADVISORY ๐Ÿ“ฃ

In light of the impending threat of Severe Tropical Storm Tino, work in the Department of Social Welfare and Development Field Office VI (DSWD FO VI) and its satellite offices is hereby SUSPENDED on November 3 and 4, 2025, except for personnel engaged in Quick Respose Teams (QRTs) and essential services who are required to report as necessary.

All DSWD transactions are likewise suspended until further notice.

We appeal for our clientsโ€™ understanding as we prioritize everyoneโ€™s safety. Clients are advised not to travel or visit DSWD offices during these days for their own safety. Please stay alert, follow official advisories, and take necessary precautions. Regular operations and services will resume once conditions are deemed safe.

Stay safe, Western Visayas! ๐Ÿ’™

DSWD Disaster Response Management
Department of Social Welfare and Development - DSWD



Pangarap ng mag-asawang 4Ps, unti-unting naisakatuparan ng mga anakTestimony by: Melba G. Esto Benepisyaryo ng 4Ps LIBAC...
05/08/2025

Pangarap ng mag-asawang 4Ps, unti-unting naisakatuparan ng mga anak

Testimony by: Melba G. Esto
Benepisyaryo ng 4Ps

LIBACAO, Aklan (Kwento ng Pangarap)- Sa buhay, susubukin tayo ng mga pagsubok na unti-unting nagpapatibay sa atin. Sa kabila ng bagyoโ€™t unos, dapat tayong lumaban at manalig dahil ang bawat pagsubok ay may hatid na biyaya. Ang aming pamilyang ay bahagi ng katutubong komunidad na Akeanon Bukidnon sa Sitio Kabaya, Barangay Manika, Libacao, Aklan, isang liblib na lugar na dalawang oras ang layo sakay ng motorsiklong โ€œhabal-habalโ€ sa madudulas at matatarik na daan mula sa bayan ng Aklan.

Karaniwang kabuhayan dito ang abaca at pagsasaka. Bago pa kami mapabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ako ay Barangay Health Worker na mula pa noong 2004. Tuwing buwan, naglalakad ako ng milya-milya upang timbangin ang mga batang edad 0โ€“5.

Ginagampanan ko ito ng buong puso, kahit hindi sapat para sa aming pamily ang allowance na aking natatanggap. Ang aking asawa naman ay miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU). Kapag may oras ay tumutulong rin ako sa bukid, nagtatanim ng mga gulay, nag-aalaga ng mga hayop, at ang gumagawa ng โ€˜nigoโ€™ mula sa kawayan na binibenta ko para may dagdag kita.

Taong 2009, nagsimulang gumaan ang aming pamumuhay nang napabilang kami sa 4Ps. Tatlo sa aming pitong anak ang minomonitor ng programa. Sa pamamagitan ng programang ito, unti-unti naming naitaguyod ang edukasyon at kalusugan ng aming mga anak. Hindi lang pinansyal ang tulong ng 4Ps, malaki rin ang naitulong ng Family Development Sessions (FDS) sa aming emosyonal at moral na aspeto.

Naging aktibo akong kasapi ng ibaโ€™t ibang organisasyon tulad ng KALAHI CIDSS-NCDDP, Operation and Maintenance Team, Project Preparation Team, PTA ng Manika Elementary School at Loctuga National High School, Manika Farmers Association (Abaca at Coconut), Manika Upland Farmers, Manika Womenโ€™s Organization, at Caritas Organization. Linggo-linggo, inilalaan namin ang oras para sa pagdarasal bilang pamilya, sa simbahan man o sa aming kapilya. Mahalaga para sa amin ang espirituwal na lakas sa gitna ng mga maraming pagsubok.

Ngunit pagkaraan ng dalawang taon, ang pamilya namin ay nakaharap sa isang mabigat na pagsubok. Ang aking asawa ay napagbintangan sa isang krimen, ito ay naging badya ng sekuridad at kaligtasan ng pamilya namin. Ngunit nanaig ang katotohanan at napatunayang wala siyang kasalanan. Nalampasan namin ang unos na iyon pero isa pang unos ang dumating nang hinagupit kami ng Bagyong Yolanda. Nasira ang aming kabuhayan at bahay pero nanatili kaming matatag.

Para sa amin, ang pagiging bahagi ng 4Ps ay hindi lamang ayuda kundi isang misyon na magtaguyod ng bawat pamilyang Pilipino. Natutunan ko na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa pera o ari-arian kundi sa positibong pagbabago sa buhay ng pamilya. Bilang isang ina, ang tanging hangad ko ay ang mabuting kinabukasan ng aking mga anak. Kayaโ€™t patuloy kaming nagsusumikap at lumalaban. Natutunan ko ring mangarap hindi lang para sa amin, kundi para rin sa aming komunidad.

Sa ngayon, ako ay masaya bilang Barangay Health Worker at aktibong volunteer sa aming lugar. Ang mga anak ko ay unti-unti ng nakakamit ang kanilang mga pangarap at naging pangarap rin naming mag-asawa para sa kanila. Ang panganay na si Glenda Mae Esto ay nagtapos ng Bachelor in Industrial Technology at ngayon ay isang on-call dressmaker at ang kasunod nito si Mary Gretchen Esto ay nagtapos ng Bachelor in Secondary Education, major in English, isang online freelancer, at kasalukuyang nagre-review para sa board exam.
Nais kong ipakita sa aking mga anak at sa buong komunidad na kahit hindi ako perpekto, kaya kong isakatuparan ang aming mga pangarap kahit sa aming mga anak na muna at makagawa ng magagandang ambag sa komunidad.

Lubos ang aking pasasalamat sa 4Ps at sa lahat ng taong tumulong upang maisakatuparan ang pagbabago sa aming buhay. Sa lahat ng kapwa ko benepisyaryo at sa mga patuloy na nagsusumikap, huwag mawalan ng pag-asa. Anuman ang hirap ng buhay, darating ang panahon ng pag-ani. Ipinasa ng Libacao MOO, Aklan POO. (Revised and Edited by: Paul Andrie A. Farrol, WVSU Intern)mgc

๐—ฆ๐—œ๐—•๐—ข๐—Ÿ ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—ฌ (๐—–๐—ฌ๐—–๐—Ÿ๐—˜ ๐Ÿฎ) ๐ŸŒฑ"๐—ง๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—š๐—ถ๐—ณ๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐—–๐—ผ๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ผ ๐—˜๐—ป๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—˜๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ผ๐—ฟ โ€“ ๐—ง๐—ถ๐—ฏ๐˜†๐—ผ๐—ด, ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ถ๐—ป ๐—›๐—ฎ๐—ฟ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฟ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐—ฒ"Business ...
16/07/2025

๐—ฆ๐—œ๐—•๐—ข๐—Ÿ ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—ฌ (๐—–๐—ฌ๐—–๐—Ÿ๐—˜ ๐Ÿฎ) ๐ŸŒฑ

"๐—ง๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—š๐—ถ๐—ณ๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐—–๐—ผ๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ผ ๐—˜๐—ป๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—˜๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ผ๐—ฟ โ€“ ๐—ง๐—ถ๐—ฏ๐˜†๐—ผ๐—ด, ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ถ๐—ป ๐—›๐—ฎ๐—ฟ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฟ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐—ฒ"

Business is a cutthroat endeavor; it seems that to achieve success in this field, you must first be wealthy and second, smart. The Tibyog Afga Association of Tangalan is definitely not wealthy, and when it comes to academic achievement, they would pale in comparison to small startups in Kalibo, but what they lack in riches and achievements, they make up for in discipline and perseverance.

๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜† ๐—˜๐˜…๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ฒ

As the c**k crows beneath the first rays of an early Monday, Jose Melvin, president of the association, is already up and tending to his coop. He prepares feed for four hundred Ready- To-Lay hens all nesting contentedly to the sound of calm music playing from the coopsโ€™ sound system. He checks the health of each hen and the sizes of their eggs alongside the members of his organization who affectionately call him โ€œPres.โ€ They would then do maintenance work, like cleaning the canals of refuse, carrying buckets of water for the hens and preparing to harvest their eggs in the afternoon, a typical day in the Associationโ€™s project site.

โ€œDuty is minko exercise kasi tig daywang oras eang, mag kolekta it itlog, sizing, ag paglimpyo.โ€ (Duty is like exercising for two hours, collecting eggs, classifying by sizes and cleaning the area) shares Erlinda Toriaga, a senior citizen and member of the association. Members are only required serve their duties two hours a week in clusters of four, rotating members weekly. Since starting the enterprise in 2023, this routine has hardly changed, with 30 initial members down to 27 managing the coop. Initial reactions to the association were enthusiastic, but none could have expected it to turn a profit of over โ‚ฑ58,000.00 after only six months, made possible through the hard-work of the members and the commitment of Melvin.

โ€œAbo nga bulig si Pres sa mga pagkakueang it mga members, imaw gapuno. Strikto pero indi harsh. Antigo mag disiplina na indi nakaka offend,โ€ (Our President makes up for the shortcomings of the members. He is strict but not harsh and knows how to impose discipline without being too restrictive or offensive) Reciel Fabroa discloses, the secretary of the association. It is under his leadership that the enterprise continues to thrive as they are preparing to enter their second cycle this year, supervising clusters, encouraging his members, taking on extra work, and leading through action, not just by words.

๐—œ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜†

Business in the association remains mostly inside the barangay, with most eggs sold to local sari-sari stores and residents. Only about 13 trays leave town a week through Peter Angeles, a member and tricycle driver. Peter had sold clothes and slippers before joining the association, his business had suffered during the pandemic and he had to pivot to selling vegetables out of his tricycle. Upon becoming a member, he added eggs to his stock and has been steadily thriving, his income providing for food, education and other household expenses for his three children and wife and even managing to complete building a house for their family.

The residents of Brgy. Afga benefited greatly from the association, who had to make irregular trips to Tangalan Public Market for eggs prior to its founding. The benefits extend to the members who earn a steady wage of โ‚ฑ3,857.00 via dividends in a year. With most of them having jobs independent of the association, this additional income is a welcome step away from poverty.

The project has provided plenty of opportunities for the members to learn and develop their skills. Maryjill, Treasurer of the association adds that, โ€œSa negosyo, dapat may oras ka gid ag mahugod hay bukon it maeumo ro ubra,โ€ adding, โ€œBukon ako antiguhan gid sa Math. Nadugangan ro knowledge dahil nag attend ako it seminar it SLP ag nagamit ko sa pag compute it among kita.โ€ (In this business, you need to be hard working because the work is not easy. I was not an expert in Math before but through the SLP trainings, I have learned to compute and calculate our financial records)โ€ Maryjill, like many members, only has a high school level education, and it had been a challenge for them to fill the requirements of running a business, yet they persevere still.

โ€œNagkaroon ako ng experience kung paalin magka income at maging financially independent,โ€ said Erlinda, a 64-year-old pensioner and piรฑa weaver whose participation in the enterprise brought her back some dignity and independence. This is a common story among members, people in poverty who work only to survive finding freedom and fulfillment in being a part of a project by the community and for the community.

๐—™๐—ผ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐˜

Back in the coop, Melvin and his members finish up their work and call it a day, making sure to keep track of and reward those that have shown up. Some of the cluster members are absent, instead replaced by one of their family members to work on their behalf. Their presence is a welcome addition as the work is thorough and exhausting. โ€œSa negosyo it Ready-to-Lay, dapat may time, dapat may pasensiya, naka focus sa pag check ag monitor it manok,โ€ Maryjill adds. A big factor in ensuring cooperation between cluster members is Pres himself who said, โ€œOk man do mga members, kailangan lang nga i-remind sanda ag e-encourage.โ€ (The members are good people. You only need to remind and encourage them) He allows members to get trays of eggs through credit, collecting them once a month via their dividends, and encouraging members to work more. In only four years, Pres had managed to create a positive work environment, helped in large part due to his infectious smile and firm command.

Despite their background, the association members have managed to turn a fledgling business into a staple of their community. This is a group of people who work together to ensure that their livelihoods and that of their peers are thriving and successful by providing produce that the community would have otherwise had to acquire inconveniently outside of the barangay. All of this to show that giving less fortunate people a chance to turn their life around leads to incredible results.

๐—” ๐—ช๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—ถ๐—ป ๐—ก๐˜‚๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€

This story serves as a testament to the principles of SLP, providing opportunities for marginalized communities and investing in their growth. Tibyog Afga Association has taken the first steps towards watering the seeds of sustainability for their enterprise. Now entering their second cycle, things are looking up for the business, selling off their remaining hens and preparing the coop for another peak season. Tibyog Afga may not have wealth, and it may not be considered conventionally smart either, but by the will of their members, the impact of their hard work, and the community they have formed, it has proven that there is a third avenue to success: working in harmony together.

โ€œGa umpisa pa eang kami ag abo pang daean kailangan baktasun para maabot ro amun handum. Pero sayran man namun nga owa it maisot o mabahoe nga kapital sa negosyo kung may pagbululigan para maeab ot ro intensyon it tawo sa pag umwad ag kamaeayran it andang kabuhian.โ€ (We have just finished the first phase of the project and there are still many steps to take before we realize our dreams. We understand that there is no small or huge capital in business if people help one another to achieve the goal towards growth and betterment of their life and livelihood), Jose Melvin ends thoughtfully.

#๐—•๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜๐—•๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฆ๐—ฎ๐——๐—ฆ๐—ช๐—— โค
#๐—ฆ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ๐—Ÿ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—ฑ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ ๐Ÿ’š
#๐—ฆ๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ง๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐ŸŒฑ
#๐—ฆ๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—น๐—ช๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด๐—–๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฒ๐˜€๐˜๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ๐—–๐˜†๐—ฐ๐—น๐—ฒ๐Ÿฎ ๐Ÿ–‹
#๐—ฆ๐—Ÿ๐—ฃ๐—ฆ๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—น๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐ŸŒฟ

09/07/2025

4Ps Kalibo Joins One Billion Rising 2025!Parent Leaders and beneficiaries of 4Ps Kalibo took part in the One Billion Ris...
15/02/2025

4Ps Kalibo Joins One Billion Rising 2025!

Parent Leaders and beneficiaries of 4Ps Kalibo took part in the One Billion Rising Campaign 2025, uniting with communities worldwide to demand an end to violence and injustice. Through dance and solidarity, they raised their voices for equality, empowerment, and a future free from abuse.

Together, we rise. Together, we make change happen!

15/02/2025

4Ps Kalibo Joins One Billion Rising 2025!

Parent Leaders and beneficiaries of 4Ps Kalibo took part in the One Billion Rising Campaign 2025, uniting with communities worldwide to demand an end to violence and injustice. Through dance and solidarity, they raised their voices for equality, empowerment, and a future free from abuse.

Together, we rise. Together, we make change happen!

23/01/2025

Laban para sa Kinabukasan: Ang Pamilya Rebanio sa Daan ng Tagumpay

Isinulat ni: Krischelle-J P. Sarceno
Municipal Link

KALIBO, Aklan - Bago pa man makarating sa makulay na tagumpay ang pamilya Rebanio, marami na silang pinagdaanan na pagsubok.

Si Lerio Rebanio, ang ilaw ng pamilya, ay nagsimula sa isang simpleng hanapbuhay. Dahil sa hirap ng buhay, nagdesisyon si Lerio na magtinda ng lumpia, ukoy, at breadroll sa kanilang barangay at sa mga kalsada ng Kalibo upang maitaguyod ang kanyang pamilya. Ang kita mula sa kanyang tinda ay hindi laging sapat, pero nagsikap siya upang masig**o na may makakain ang kanyang mga anak at mapagtulungan nila ang mga gastusin sa araw-araw.

Ngunit ang buhay ay puno ng mga sopresa dahil taong 2018, napansin ng barangay ang sipag at dedikasyon ni Lerio kaya siya ay natanggap bilang utility at messenger ng barangay hall. Isang hakbang ito na nagbigay sa kanya ng mas matatag na trabaho at regular na kita. Mula noon, nakatulong siya hindi lamang sa kanyang pamilya, kundi pati na rin sa buong komunidad, kaya't naging inspirasyon siya sa iba pang mga tao na magsikap at huwag mawalan ng pag-asa.

Sa kabila ng lahat ng pagsubok, hindi nakalimutan ni Lerio ang kanyang pangunahing layunin: ang tiyakin ang magandang kinabukasan ng kanyang mga anak. Patuloy nilang pinapahalagahan ang edukasyon ng kanilang mga anak, at ang kanilang pangarap ay hindi lamang makatawid sa araw-araw, kundi magkaroon din sila ng pagkakataon na magtagumpay sa buhay.

Si Danica Jane Rebanio, ang bunso at ang minomonitor sa programang 4Ps. Isang batang may hindi matitinag na determinasyon. Habang siya ay nag-aaral sa Kalibo Institute, nagsimula siyang makilala sa larangan ng Pencak Silat, isang uri ng martial arts mula sa Indonesia. Sa kabila ng kakulangan sa materyales at hindi sapat na suporta mula sa iba, ipinakita ni Danica ang kanyang kagalingan sa sport na ito lalo na ang kanyang nakakatandang kapatid na lalaki na si Dan Rio ang nagselbing kanyang coach taong 2020 pagkatapos ng pandemya dulot ng COVID-19.

Noong 2023, sa edad na 15, sumali si Danica sa isang Pencak Silat competition sa Ayala Mall sa Maynila. Ang kanyang pagsali ay naging viral sa social media, hindi lamang dahil sa kanyang husay sa laban kundi dahil sa nakakalungkot eksena kung saan sila ay natutulog gamit ang ng cardboard, habang hinihintay ang kanyang laban. Ang mga larawan at video na ito ay naging patunay ng kanyang hirap at dedikasyon. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nanalo siya ng Gold Medal sa Bebas Solo Creative at Tanding Fighting Category, na nagsilbing simula ng kanyang tagumpay.

Noong 2024, ipinagpatuloy ni Danica ang kanyang mga laban at tagumpay. Sa WVRAA Negros noong Enero 2024, nakapag-uwi siya ng isa na namang Gold Medal sa Seni Regu sa Pencak Silat Secondary Girls. At sa 1st Pencak Silat National Championship noong Hunyo, siya ay nagwagi ng tatlong Gold Medals sa Solo Bebas, Regu Trio, at Tanding Fighting. Dahil sa kanyang mga tagumpay, naging inspirasyon siya sa kanyang komunidad at sa buong Aklan, na nagbigay sa kanya ng pagkakataon upang magrepresenta sa Batang Pinoy sa Palawan nakaraang Nobyembre 2024 at. Si Danica ay nakuha ang dalawang Gold medal at kumakatawan sa Aklan sa Solo Artistic Bebas Category, na isang malaking karangalan para sa kanilang pamilya at buong lalawigan.
Ngunit ang pinakamalaking tagumpay ay nang siya ay napili upang mag-representa sa World Championship Pencak Silat sa Dubai sa Disyembre 2024, kung saan siya ay magsisilang ng karangalan para sa bansa sa Solo Bebas at Tanding Fighting Category.

Ang mga tagumpay ni Danica ay hindi lamang bunga ng kanyang pagsusumikap kundi pati na rin ng mga tulong na natanggap nila mula sa mga programa tulad ng 4Ps. Taong 2012, nang nakapasok ang pamilya Rebanio sa programa. Sa kabila ng mga pinansyal na pagsubok, nakatulong ang 4Ps sa pagpapagaan ng kanilang buhay, kaya't nakapagpatuloy ang mga anak ni Lerio sa kanilang pag-aaral at sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Ngayon, ang pamilya Rebanio ay isang simbolo ng pagsusumikap, pag-asa, at tagumpay. Mula sa hirap ng buhay, mula sa pagtitinda ng lumpia at ukoy, hanggang sa mga nakamit na medalya ni Danica sa Pencak Silat, ang pamilya Rebanio ay patunay na sa pamamagitan ng sipag, determinasyon, at tulong mula sa mga programa ng gobyerno, lahat ng pagsubok ay mapagtatagumpayan.

Si Danica ay patuloy na lumalaban, hindi lamang para sa sarili, kundi para sa kanyang pamilya at sa bayan ng Aklan. Ang kanyang tagumpay ay isang inspirasyon sa mga kabataang tulad niya na may pangarap, na kahit na ang buhay ay puno ng pagsubok, may pag-asa at tagumpay sa bawat hakbang na kanilang tatahakin.

23/01/2025
Ani ng tagumpayNEW WASHINGTON, Aklan โ€“ Para sa mga magsasaka, sa kabukiran maaani ang tamis ng kanilang tagumpay. Isa an...
12/07/2024

Ani ng tagumpay

NEW WASHINGTON, Aklan โ€“ Para sa mga magsasaka, sa kabukiran maaani ang tamis ng kanilang tagumpay. Isa ang pamilyang Isubol na makapagpatunay ng pahayag na ito lalo na ang maybahay na si Merlyn Nobleza, 56 at nakatira sa Barangay Mataphao sa bayan na ito. Ina ng apat na magkakapatid at kabiyak ng isang masipag na asawa. Sa estado ng kanilang buhay, ang pagtatanim ang siyang pinag-uukulan ng atensyon nilang mag-anak.

Ngunit hindi sapat ang kita sa kabukiran kaya ang kaniyang asawa ay nakikipagsapalaran sa Manila sa kanaisang makatulong sa pamilya habang si Merlyn naman ay naiwan dito at pumasok sa mundo ng agrikultura, kung saan siya ay nagtatrabaho sa sakahan tuwing panahon ng anihan. Ilang beses silang nagpalipat-lipat ng tirahan dahil sa kakulangang pinansyal. Dagdag pa dito, ay nawalan ng trabaho ang kaniyang kabiyak dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID-19.

Dahil sa pandemiya, maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho at pag-asa sa buhay at ang pamilya ni Merlyn sa kasamaang palad ay naranasan ang higupit ng pandemiya sa bansa. Ilan lamang ito sa mga pagsubok na kanilang pinagdaanan bago tuluyang maging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Gaano man kahirap ang buhay ay nagkaroon pa din ng pag-asa ang pamilya dahil sa naging pagbabagong dala ng 4Ps sa kanila.

Naitaguyod nil ang kaniyang pamilya at ang kaniyang mga anak ay nakapagpatuloy sa kanilang pag-aaral. Ayon din sa ginang ay kaniyang palaging inuuna ang pangangailangan sa pag-aaral ng kaniyang mga anak. Naging malaking suporta sa mga anak ang pagiging benepisyaryo lalo na sa pag-aaral ng mga anak sa high school habang ang kinikita naman ng kaniyang mister ay ang ipinanggagastos para sa mga anak nilang nasa kolehiyo. Dahil sa pagpupursigi at pagtitiyaga ng mag-asawang maiahon ang kanilang pamilya sa mapaglarong pagsubok, sa awa ng Diyos ay nakapagtapos, at nakapagtrabaho din kaagad ang kaniyang panganay na anak na si Lowelyn na isa ng g**o ngayon. Ang pangalawang anak na si Lester ay nakapagtapos din at isa ng ganap na sundalo. Sa ngayon, ang dalawang anak nila na nagtatrabaho na ang siyang sumusuporta sa pag-aaral ng kanilang bunsong mga kapatid na nasa kolehiyo at high school.

Hindi maitatangging ang programa ang isa sa naging sangkap ng malaking pagbabago sa pinansyal na estado sa buhay ng pamilya. Ang 4Ps ay ang siyang sumuporta at nagbigay ng kanilang pangangailangan lalo na sa pag-aaral ng kaniyang mga anak. Dahil sa programa, ang ginang ay naging isang aktibong miyembro sa pagtuturo at pagsasanay sa livelihood projects lalo na sa urban farming na kung saan siya ay natutong mag backyard gardening na siyang nakatulong sa kanilang pamumuhay.

Sa kabila ng malubak na daan ng buhay ay ang hangad na pagbabago na hindi kailanman mabubuwag ng anumang haraping pagsubok. Bilang benepisyaryo ng 4Ps, ang payo ni Merlyn sa mga tulad niyang may pinagdadaanang pagsubok at nagnanais na makamtan ang pagbabago ay diskarte sa buhay ang kailangan. Sipag, tiyaga, at higit sa lahat manalig sa Diyos at laging gawin ang tama.

Para sa mag-asawang Isubol, ang tagumpay nila ay ang pag-aani ng kanilang pinaghirapan sa pamamagitan ng pagtatapos ng pag-aaral ng kanilang mga anak kasama na rin ang kasalukuyang pag-aaral ng iba pa nilang mga anak. (Ipinasa ng New Washington MOO, Aklan POO) (Na-edit ni: Sherylyn Mae A. Bonotano, BA Journalism, WVSU)

07/06/2024

Address

Kalibo

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 4Ps Kalibo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share