Sangguniang Kabataan ng Barangay Kalinawan

Sangguniang Kabataan ng Barangay Kalinawan SK KEVIN BUEZA

Isang matagumpay at makabuluhang araw para sa ating mga kabataang iskolar! 🎓✨Sa pangunguna ng ating 𝐒𝐊 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐦𝐚𝐧 𝐇𝐨𝐧. 𝐊𝐞𝐯...
19/03/2026

Isang matagumpay at makabuluhang araw para sa ating mga kabataang iskolar! 🎓✨

Sa pangunguna ng ating 𝐒𝐊 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐦𝐚𝐧 𝐇𝐨𝐧. 𝐊𝐞𝐯𝐢𝐧 𝐁𝐮𝐞𝐳𝐚 kasama ang kanyang 𝐤𝐨𝐧𝐬𝐞𝐡𝐨, matagumpay na naipamahagi ang 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 para sa ating mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang programang ito ay patunay ng aming patuloy na pagsisikap na masuportahan ang bawat kabataang may pangarap at determinasyong makapagtapos ng pag-aaral.

Naniniwala kami na ang edukasyon ang pinakamahalagang puhunan para sa kinabukasan. Sa simpleng tulong na ito, hangad naming mabawasan ang kanilang mga alalahanin sa gastusin at mabigyan sila ng dagdag na inspirasyon upang magpatuloy at magsikap sa kanilang akademikong paglalakbay.

Ang 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 ay mananatiling katuwang ng kabataan sa pag-abot ng kanilang mga mithiin. Sama-sama nating itaguyod ang mas maliwanag at mas maunlad na bukas para sa lahat. 💙📚




𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐋𝐄𝐀𝐔𝐆𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐍𝐀𝐖𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍❗Simula bukas 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟏𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 ay maari nang magpasa ng inyong line up, ha...
11/03/2026

𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐋𝐄𝐀𝐔𝐆𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐍𝐀𝐖𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍❗

Simula bukas 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟏𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 ay maari nang magpasa ng inyong line up, hanggang 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟑𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔.

Para sa mga nais kumuha ng line up form, pumunta lamang sa ating Barangay Hall o humingi sa ating mga SK Officials.

𝐇𝐨𝐧. 𝐊𝐞𝐯𝐢𝐧 𝐁𝐮𝐞𝐳𝐚 - 𝐒𝐊 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧
𝐇𝐨𝐧. 𝐀𝐛𝐞𝐥 𝐂𝐫𝐮𝐳 - 𝐒𝐊 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫
𝐇𝐨𝐧. 𝐉𝐮𝐫𝐞𝐧 𝐀ñ𝐢𝐬 - 𝐒𝐊 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫
𝐇𝐨𝐧. 𝐊𝐢𝐦 𝐇𝐚𝐦𝐭𝐨 - 𝐒𝐊 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫
𝐇𝐨𝐧. 𝐉𝐨𝐡𝐧 𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐰 𝐒𝐚𝐦𝐨𝐧𝐭𝐢𝐧𝐚 - 𝐒𝐊 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫
𝐇𝐨𝐧. 𝐌𝐚. 𝐃𝐚𝐧𝐢𝐞𝐥𝐥𝐚 𝐂𝐫𝐮𝐳 - 𝐒𝐊 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫
𝐇𝐨𝐧. 𝐈𝐯𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐥𝐞𝐣𝐚𝐬 - 𝐒𝐊 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫
𝐌𝐬. 𝐑𝐞𝐜𝐡𝐞𝐥 𝐃𝐢𝐭𝐚𝐛𝐥𝐚𝐧 - 𝐒𝐊 𝐓𝐫𝐞𝐚𝐬𝐮𝐫𝐞𝐫
𝐌𝐬. 𝐌𝐢𝐜𝐡𝐚𝐞𝐥𝐚 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐥𝐞𝐣𝐚𝐬 - 𝐒𝐊 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐚𝐫𝐲

Kaya't ano pa nga ba ang hinihintay nyo magpasa na ng inyong line up at maghanda na sa paparating na SK SUMMER LEAGUE 2026.

𝙍𝙀𝘼𝘿𝙔 𝙔𝙊𝙐𝙍 𝙏𝙀𝘼𝙈!
We will give updates and further information about the plans of our SK Council here in our official page. Thank you and God bless!

Opening: TENTATIVE



01/03/2026

𝓒𝓞𝓜𝓘𝓝𝓖 𝓢𝓞𝓞𝓝.. 🏐🔥🏀

𝐋𝐨𝐨𝐤 | 𝐒𝐊 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧Kagabi lamang, February 22, 2026 ay naganap ang Regular Session ng Sangguniang Kabataan ng Bara...
23/02/2026

𝐋𝐨𝐨𝐤 | 𝐒𝐊 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧

Kagabi lamang, February 22, 2026 ay naganap ang Regular Session ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Kalinawan kung saan tinalakay dito ang mga sumusunod:

AGENDA:
• Budget
• Clean Up Drive
• Educational Assistance
• Liga
• Other Matters

Manatiling naka-antabay sa opisyal na page ng Sangguniang Kabataan ng Kalinawan para sa mga mahahalagang anunsyo.

Maraming salamat po!



🌿 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐍-𝐔𝐏 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄 🌿📍 Cantera/Bagong DaanSa pangunguna ng ating 𝗦𝗞 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 Hon. 𝗞𝗲𝘃𝗶𝗻 𝗕𝘂𝗲𝘇𝗮, kasama ang kanyang 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗼, ...
23/02/2026

🌿 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐍-𝐔𝐏 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄 🌿
📍 Cantera/Bagong Daan

Sa pangunguna ng ating 𝗦𝗞 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 Hon. 𝗞𝗲𝘃𝗶𝗻 𝗕𝘂𝗲𝘇𝗮, kasama ang kanyang 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗼, isinagawa ang Clean-Up Drive ng Sangguniang Kabataan ng Kalinawan bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa kalinisan, kaayusan, at pangangalaga sa ating kapaligiran. Ipinapakita ng ating kabataan na sa pamamagitan ng pagkakaisa at malasakit, kayang makamit ang isang mas malinis at mas maayos na komunidad para sa lahat.

Ang gawaing ito ay hindi lamang isang simpleng paglilinis, kundi isang simbolo ng disiplina, responsibilidad, at aktibong pakikilahok ng kabataan sa mga programang makakatulong sa ating barangay. Sama-sama nating panatilihing malinis at ligtas ang Kalinawan.

Bilang pagpapatuloy ng inisyatibong ito, isasagawa ang Clean-Up Drive tuwing huling Linggo ng bawat buwan upang masiguro ang tuloy-tuloy na pangangalaga sa ating kapaligiran. Makilahok, makiisa, at maging bahagi ng pagbabago! 💚🌿

Ang 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐚𝐰𝐚𝐧 ay naglunsad ng 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦  para sa mga KOLEHIYO.Ang hakbangin...
26/01/2026

Ang 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐚𝐰𝐚𝐧 ay naglunsad ng 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 para sa mga KOLEHIYO.

Ang hakbangin na ito ay makakatulong partikular sa mag-aaral ng kolehiyo na mapagaan at mabawasan ang kanilang mga gastusin sa pananalapi pagdating sa kanilang pag-aaral.

Ipinapaalam po sa lahat ng BENEPISYARYO na ang Release ng Educational Assistance ay gaganapin sa FEBRUARY 28, 2026 (Sabado), ganap na 12:00 PM ng tanghali. Ang aktibidad ay isasagawa sa Session Hall, Brgy. Kalinawan, Binangonan, Rizal.

Pinapaalalahanan ang lahat na maging maagap at sumunod sa mga itinakdang alituntunin upang maging maayos at mahinahon ang proseso ng pamamahagi.

Maraming salamat po at nawa’y patuloy itong maging tulong sa inyong pag-aaral at kinabukasan.

𝐋𝐨𝐨𝐤 | 𝐒𝐊 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧Kagabi lamang, January 18, 2026 ay naganap ang Regular Session ng Sangguniang Kabataan ng Baran...
19/01/2026

𝐋𝐨𝐨𝐤 | 𝐒𝐊 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧

Kagabi lamang, January 18, 2026 ay naganap ang Regular Session ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Kalinawan kung saan tinalakay dito ang mga sumusunod:

AGENDA:
• IRR
• Educational Assistance
• Budget
• Upcoming projects
• Other Matters

Manatiling naka-antabay sa opisyal na page ng Sangguniang Kabataan ng Kalinawan para sa mga mahahalagang anunsyo.

Maraming salamat po!


🎉𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲, 𝐒𝐊 𝐊𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚𝐝 𝐀𝐛𝐞𝐥 𝐂𝐫𝐮𝐳!We extend our heartfelt greetings on your special day. May you be blessed with con...
10/01/2026

🎉𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲, 𝐒𝐊 𝐊𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚𝐝 𝐀𝐛𝐞𝐥 𝐂𝐫𝐮𝐳!

We extend our heartfelt greetings on your special day. May you be blessed with continued wisdom, good health, and strength as you carry on your dedicated service to the youth and our community. Thank you for your commitment, leadership, and genuine concern for the welfare of others. Wishing you a meaningful celebration and success in all your endeavors.✨

PAGPUPUGAY SA LAHAT NG ATING PINAGDAANAN AT SA LAHAT NG ATING NARATING NGAYONG TAON. ATING SALUBUNGIN ANG 2026 NG MAY NG...
31/12/2025

PAGPUPUGAY SA LAHAT NG ATING PINAGDAANAN AT SA LAHAT NG ATING NARATING NGAYONG TAON. ATING SALUBUNGIN ANG 2026 NG MAY NGITI SA LABI AT PUSONG PUNO NG PASASALAMAT! ✨

Y E A R E N D P A R T Y ! 🥳🍾

Handog sa inyo ng Sangguniang Kabataan ng Kalinawan sa pangunguna ng ating SK CHAIRPERSON: Hon. Kevin Silvestre Bueza kasama ang kanyang konseho..

SK COUNCIL:
Hon. Abel Cruz
Hon. Juren Daniel Aran Anis
Hon. Kim Hamto
Hon. John Andrew Samontina
Hon. Daniella Cruz
Hon. Ivan Tristan Paralejas
Ms. Michaela Ditablan Paralejas
Ms. Rechel Ditablan

Kaagapay at katuwang ang Sangguniang Barangay ng Kalinawan sa pangunguna ng ating Punong Barangay: Hon. Lito Cerda kasama ang kanyang buong konseho. Maraming salamat po sa suporta. 🤍

Nawa'y ang bagong taon na ating sasalubungin ay magdala ng kasaganahan, kaligayahan, at katuparan ng mga pangarap. Patuloy nating pagyamanin ang ating pagkakaisa, pagtutulungan, at pagmamahalan sa ating komunidad. Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta at tiwala sa aming Konseho. Patuloy kaming magsisilbi nang may katapatan at dedikasyon sa ating bayan. Muli, Manigong Bagong Taon sa inyong lahat! Nawa'y maging makulay at punong puno ng pag-asa ang ating 2026! 🥳🫶🎉

LOOBAN & SK KALINAWANMOBILE LEGEND TOURNAMENT C H A M P I O N  🏆TEAM STARUBIKAL
29/12/2025

LOOBAN & SK KALINAWAN
MOBILE LEGEND TOURNAMENT
C H A M P I O N 🏆
TEAM STARUBIKAL

SPOTLIGHT 🔦🔦
29/12/2025

SPOTLIGHT 🔦🔦

PREPARATION 🖤
29/12/2025

PREPARATION 🖤

Address

Maligaya Street
Kalinawan
1940

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Barangay Kalinawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share