OVP Pilipinas

OVP Pilipinas Official page of the Office of the Vice President of the Philippines (OVP)

Office of the Vice President

LEGAL BASIS

The Office of the Vice President (OVP) was organized pursuant to Proclamation No. 3 dated March 1986 and Article VII of the 1987 Constitution and Executive Order No. 240 dated July 24, 1987. MANDATE

To provide staff assistance to the Vice President (VP) in the performance of his tasks as the second highest official in the Executive Branch.

ADVISORYMagandang Araw!Para sa mga balita, anunsyo, at iba pang impormasyon tungkol sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ...
17/07/2023

ADVISORY

Magandang Araw!

Para sa mga balita, anunsyo, at iba pang impormasyon tungkol sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, puntahan ang mga sumusunod na official pages at website:

facebook.com/TanggapanNgPangalawangPangulo

facebook.com/MayorIndaySaraDuterteOfficial

www.ovp.gov.ph

Maraming Salamat po!

[A] PAUNAWABilang paghahanda sa pagpasok ng susunod na administrasyon, ihihinto muna ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo...
23/05/2022

[A] PAUNAWA

Bilang paghahanda sa pagpasok ng susunod na administrasyon, ihihinto muna ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa medical at burial assistance simula 01 June 2022. Ito po ay upang maging maayos ang pag-transition at pag-turnover ng programa sa susunod na bise presidente.

Makakaasa po kayong babalikan kayo agad ng Tanggapan para sa mga updates ukol dito.

Muli, taos-pusong pasasalamat sa inyong tiwala sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo. Isang malaking karangalan po sa amin na kayo ay mapagsilbihan.

[A] Huling araw po ng ating Bayanihan E-Konsulta service sa Martes, May 31, 2022.Taos-puso kaming nagpapasalamat sa laha...
23/05/2022

[A] Huling araw po ng ating Bayanihan E-Konsulta service sa Martes, May 31, 2022.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakipagbayanihan sa atin para maabot ang mga kababayan nating nangangailangan ng tulong medikal ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Maraming salamat po!

[A] BAYANIHAN E-KONSULTA ADVISORY

Nais po naming ipaalam na magtatapos na ang serbisyo ng Bayanihan E-Konsulta (BEK) sa Martes, May 31, 2022.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa inisyatibo nating ito upang makapaghatid ng kinakailangang tulong medikal sa ating mga kababayan ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa lahat ng ating volunteer doctors, nurses, at iba pang medical professionals, pati na rin sa mga non-medical volunteers na naglaan ng kanilang oras at kakayahan para maging matagumpay ang ating programa, maraming salamat po sa inyo. Hindi matatawaran ang inyong dedikasyon, sakripisyo, at serbisyo sa publiko. Nagpapasalamat din tayo sa mga partners na nakipagbayanihan sa atin para makarating sa mas marami pa ang Bayanihan E-Konsulta. Sama-sama, pinatunayan natin: Walang imposible sa taumbayang nagkakaisa para iangat ang kaniyang kapwa.

Maraming salamat po!

[A] OVP ADVISORYBilang paggunita sa Semana Santa ngayong linggo, pansamantala pong isasara ang Medical Assistance Progra...
11/04/2022

[A] OVP ADVISORY

Bilang paggunita sa Semana Santa ngayong linggo, pansamantala pong isasara ang Medical Assistance Program ng ating opisina simula Miyerkules Santo, Abril 13, hanggang Biyernes Santo, Abril 15. Bubuksan muli ang programa sa Lunes, Abril 18.

Samantala, maaari na pong mag-signup ng appointment ang mga nais magpa-schedule sa susunod na linggo. Sagutin lamang ang form na ito: https://tinyurl.com/OVPMedAssistance

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na tiwala sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo.

29/03/2022

OVP PAD ADVISORY
29 March 2022

Para sa kaalaman ng lahat, puno na po ang slots para sa scheduled appointment ng face-to-face interview ngayong linggo. Pansamantalang isinara ang form at hindi muna tatanggap ng mga bagong aplikasyon upang maproseso ang mga nakuha nating request.

Muling bubuksan ang form bukas, Miyerkules, March 30 8:00AM para naman sa slots ng scheduled appointment sa susunod na linggo.

Maraming salamat po sa inyong tiwala sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo!

[A] OVP PAD ADVISORY: Nais po naming ipaalam na naaprubahan na ng COMELEC ang petition for exemption ng aming Tanggapan ...
28/03/2022

[A] OVP PAD ADVISORY: Nais po naming ipaalam na naaprubahan na ng COMELEC ang petition for exemption ng aming Tanggapan para sa Medical Assistance Program. Ang OVP ay muling magbubukas at tatanggap ng mga bagong aplikasyon, ngunit sa pamamagitan lamang ng Scheduled Appointment.

Maaari na po kayong mag schedule ng appointment para sa face-to-face interview, dito sa link na ito: https://tinyurl.com/OVPMedAssistance

Sa ngayon, limitado lamang sa 500 na slots kada linggo ang bubuksan para sa schedule ng appointment ng face-to-face interview. Ito ay upang may sapat na panahon para maproseso rin ang mga requests na ating naunang natanggap na hindi umabot sa February 8 cutoff. Nais ng Tanggapan na agad na makatulong sa mga nangangailangan, kaya posibleng magbukas pa ng slots sa mga susunod na araw para sa scheduled appointment. Tumutok lang po sa OVP page para sa mga update.

Para rin po sa inyong kaalaman, hindi po namin maipo-proseso ang request na kulang ang requirements. Narito po ang listahan: https://www.ovp.gov.ph/programs/medical-assistance.html. Kumpletuhin po muna ang mga dokumento bago mag-message at mag schedule ng appointment.

Maraming salamat po!

This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

28/03/2022

[A] PUBLIC SERVICE ADVISORY: Ipinapaalam po ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo na naaprubahan na ng COMELEC ang petition for exemption para sa Bayanihan E-Konsulta. Muling bubuksan ang chatbot ng Bayanihan E-Konsulta page para sa teleconsultation requests simula ngayong araw, March 28 1:00PM. Paalala lang po na 400 slots lang ang nakalaan kada araw.

Mag-ingat din sa mga text o tawag na nagpapanggap na galing sa Bayanihan E-Konsulta na hihingi ng personal information. Para sa inyong kasiguruhan, maaaring magtanong dito sa ating page, o mag email sa [email protected].

[A] Kami po sa Office of the Vice President ay nagpapasalamat sa COMELEC para sa desisyon nito ukol sa mga proyekto ng T...
23/03/2022

[A] Kami po sa Office of the Vice President ay nagpapasalamat sa COMELEC para sa desisyon nito ukol sa mga proyekto ng Tanggapan. Tutok lang sa ating page para sa iba pang update tungkol dito.

[A] Naging matagumpay ang third run ng   sa SM Mall of Asia kahapon! Sa tulong ng ating partners na Health Metrics, Inc....
04/02/2022

[A] Naging matagumpay ang third run ng sa SM Mall of Asia kahapon! Sa tulong ng ating partners na Health Metrics, Inc., Angkla Party-List, Angkla for Leni at SM MOA, nakapagbakuna tayo ng 2nd dose at booster shots sa mga kababayan nating seafarers, industry movers, at kanilang pamilya. Lahat ng nagpabakuna ay nakatanggap ng post-vaccination kits.

Katuwang din natin sa programa ang medical professionals at student volunteers mula sa AMA School of Medicine, East Avenue Medical Center, Manila Theological College, UERM Memorial Medical Center, Chinese General Hospital and Medical Center, University of Santo Tomas, Veterans Memorial Medical Center, Far Eastern University — Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation, at Smile Symmetry Dental Clinic.

Sa lahat ng nakiisa at nagtiwala sa ating programa, maraming salamat po! At sa lahat ng mga bakunado, ipagpatuloy lang po natin ang pagsunod sa health and safety protocols para sa ating kaligtasan. Ingat po tayong lahat!

[A] Kahit umulan ngayong araw, tuloy lang ang libreng antigen testing ng ating Swab Cab team sa Cabuyao Town Plaza! Lubo...
03/02/2022

[A] Kahit umulan ngayong araw, tuloy lang ang libreng antigen testing ng ating Swab Cab team sa Cabuyao Town Plaza!

Lubos tayong nagpapasalamat sa mga katuwang natin na nagkaisa upang maisagawa ang serbisyong ito: Cabuyao LGU at ng kanilang City Health Office at City Disaster Risk Reduction Management Office, mga lokal na kawani, volunteers mula sa RPC-Cabuyao at RPC-Laguna, UBE Express, at iba pa nating partners.

Sa lahat ng kumuha ng ating serbisyo ngayong araw, ipagpatuloy lang po ang pagsunod sa health and safety protocols para sa ating kaligtasan. Mag-iingat po tayong lahat!

Ang Swab Cab ay bahagi ng nagpapatuloy na COVID-19 response initiatives ng OVP. Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, tumutulong tayo sa mga pagkilos ng LGU upang maampat ang pagkalat ng sakit.

Address

Kamuning

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OVP Pilipinas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to OVP Pilipinas:

Share