07/10/2026
π’ PABATID MULA SA LTO CAVITE DISTRICT OFFICE! π’
Maligayang pagdiriwang ng Elderly Filipino Week sa ating mga minamahal na Lolo at Lola! π΅π΄
Ngayong taon, buong-pusong nakikiisa ang LTO Cavite District Office sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week ngayong October 1-7, 2026 na may temang: "Nakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan."
Bilang pasasalamat at pagbibigay-pugay sa inyong hindi matatawarang ambag sa ating lipunan, mayroon po kaming munting handog para sa lahat ng Senior Citizens na may transaksyon sa ating opisina ngayong linggo! βπ©
Para sa mas maginhawang pagbisita, hatid namin ang:
* β
Priority Lane: Mas mabilis at walang-hassle na proseso ng inyong mga rehistro.
* β
Libreng Kape at Meryenda: Mag-relax at i-enjoy ang aming inihandang pa-kape at snacks habang kayo po ay naghihintay sa ating waiting area.
Kayo po ay aming pinapahalagahan at palaging uunahin. Patuloy naming sisikapin na magbigay ng serbisyong may malasakit para sa ating mga nakatatanda.
Maraming salamat po at ingat palagi sa byahe! ππ