Barangay Gahak

Directions

Barangay Gahak Barangay Gahak Official Page

Barangay Gahak | Seminar ParticipationDumalo si Chief Tanod Julius Arias kasama ang mga kasamang Tanod ng Barangay Gahak...
14/10/2026

Barangay Gahak | Seminar Participation

Dumalo si Chief Tanod Julius Arias kasama ang mga kasamang Tanod ng Barangay Gahak sa Barangay Intelligence Network (BIN) Seminar at Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) Seminar, kasama si PLTCOL Kristine V. Paras at Konsehal ng Bayan Hon. Alvin Bunag.

Layunin ng mga seminar na mapalawak ang kaalaman at mapahusay ang kakayahan ng mga Tanod sa pagbabahagi ng impormasyon, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan ng komunidad.

Serbisyong Tapat, Ligtas na Barangay Gahak!

๐Ÿ“ข PAANYAYA SA LAHAT NG MAMAMAYAN NG BARANGAY GAHAK!Inaanyayahan po ang lahat ng ating mga kabarangay na dumalo sa Barang...
13/10/2026

๐Ÿ“ข PAANYAYA SA LAHAT NG MAMAMAYAN NG BARANGAY GAHAK!

Inaanyayahan po ang lahat ng ating mga kabarangay na dumalo sa Barangay General Assembly na gaganapin sa Oktubre 25, 2026 (Linggo), ganap na ika-11:00 ng umaga sa ETTMINHS Covered Court

Layunin ng pagtitipong ito na maipabatid sa ating mga mamamayan ang mga programa, proyekto, gawain, at mga mahahalagang ulat ng ating barangay, gayundin ang pagbibigay ng pagkakataon sa bawat isa na makapagbahagi ng mga mungkahi at saloobin para sa ikauunlad ng ating komunidad.

Ang inyong pagdalo, pakikiisa, at pakikilahok ay mahalaga upang patuloy nating maisulong ang isang maunlad, ligtas, at nagkakaisang Barangay Gahak. ๐Ÿค

๐Ÿ“… Petsa: Oktubre 25, 2026 (Linggo)
โฐ Oras: 11:00 AM
๐Ÿ“ Lugar: ETTMINHS Covered Court

Tara na, mga kabarangay! Sama-sama tayong makilahok at makiisa para sa ikauunlad ng ating barangay!

Maraming salamat po sa inyong suporta at pakikiisa!




๐Ÿซ NATIONAL SCHOOL SAFETY WEEK 2026 ๐Ÿ›ก๏ธBilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National School Safety Week sa Gahak Marulas Ele...
12/10/2026

๐Ÿซ NATIONAL SCHOOL SAFETY WEEK 2026 ๐Ÿ›ก๏ธ

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National School Safety Week sa Gahak Marulas Elementary School, sa pangunguna ni Principal Ms. Agnes Cumabig at koordinasyon ni Kap Arnel Rieta, nagbigay ng makabuluhang mensahe sina Konsi Julio Caganap Jr., Committee on Peace and Order, at Konsi Carlos Aguilar, Committee on Infrastructure, bilang suporta sa pagsusulong ng isang ligtas, maayos, at protektadong kapaligiran para sa lahat ng mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan.

Sama-sama silang nakiisa sa Panata ng Buong Komunidad para sa Ligtas na Paaralan, na nagpapakita ng pagkakaisa at pananagutan ng bawat isa sa pagpapanatili ng kaligtasan sa loob at paligid ng paaralan.

๐Ÿค Sa sama-samang pagkilos at pagtutulungan, makakamit natin ang isang paaralang ligtas, maayos, at handa sa anumang hamon!

Ligtas na Paaralan, Responsibilidad ng Bawat Isa! ๐Ÿ’™๐Ÿซ




Congratulations sa ating Barangay Childrens Association President Aliyah Quijoy, isa sa 4 na napili bilang representativ...
10/10/2026

Congratulations sa ating Barangay Childrens Association President Aliyah Quijoy, isa sa 4 na napili bilang representative nh BCA Kawit. Keep iy up Aliyah

23/09/2026
๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธ PAGKAKAISA PARA SA LIGTAS AT MAPAYAPANG KOMUNIDAD! ๐Ÿ‘ฎโ€โ™€๏ธTaos-pusong nakikiisa ang mga Barangay Tanod ng Barangay Gah...
23/09/2026

๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธ PAGKAKAISA PARA SA LIGTAS AT MAPAYAPANG KOMUNIDAD! ๐Ÿ‘ฎโ€โ™€๏ธ

Taos-pusong nakikiisa ang mga Barangay Tanod ng Barangay Gahak, sa pangunguna ni Chief Tanod C/Julius Arias, sa Simultaneous Conduct of Barangay Crime Prevention Activities na isinagawa ng Kawit Municipal Police Station, sa pangunguna ni PLTCOL Kristine V. Paras.

Ang aktibong pakikilahok ng ating mga Barangay Tanod ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon, disiplina at malasakit sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa ating komunidad.

๐Ÿค Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Barangay, Barangay Tanod at Philippine National Police, patuloy nating isusulong ang isang komunidad na ligtas, maayos at mapayapa para sa lahat.

Mabuhay ang ating mga Barangay Tanod! Maraming salamat sa inyong serbisyo at sakripisyo para sa Barangay Gahak! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ







STRONG TIESBarangay Gahak and Gahak-Marulas Elementary School.KAP Arnel Rieta and Principal Ms Agnes Cumabig.
20/09/2026

STRONG TIES
Barangay Gahak and Gahak-Marulas Elementary School.
KAP Arnel Rieta and Principal Ms Agnes Cumabig.

Sept 19, 2026Clean Up DriveKagawad, SK, Tanod, BHW, Staff, Lupon, 4PS and other individual sa pangunguna ni Kap Arnel Ri...
19/09/2026

Sept 19, 2026
Clean Up Drive
Kagawad, SK, Tanod, BHW, Staff, Lupon, 4PS and other individual sa pangunguna ni Kap Arnel Rieta.

Thank you po sa lahat ng sumuporta para sa ating weekly clean up.

Para sa mas ligtas at handang komunidad! Dumalo si Kapitan Arnel Rieta sa Cavite Flood Mitigation Summit kasama ang iba ...
14/09/2026

Para sa mas ligtas at handang komunidad! Dumalo si Kapitan Arnel Rieta sa Cavite Flood Mitigation Summit kasama ang iba pang mga pinuno ng barangay. Patuloy ang pakikipagtulungan para sa kaligtasan ng lahat! ๐ŸŒง๏ธ๐Ÿ›ก๏ธ

๐Ÿฅฐ Lamang ang may alam: Handang Komunidad, Ligtas na Bukas ๐Ÿ’šIsang masaya at makabuluhang araw para sa mga kabataan ng Bar...
12/09/2026

๐Ÿฅฐ Lamang ang may alam: Handang Komunidad, Ligtas na Bukas ๐Ÿ’š

Isang masaya at makabuluhang araw para sa mga kabataan ng Barangay Gahak! ๐Ÿง’๐Ÿ‘ง

Taos-puso ang aming pasasalamat sa Rotaract Club of Cavite Glowing Youth sa pagsasagawa ng Feeding Program para sa ating mga bata. Ang inyong malasakit at pagbabahagi ay malaking tulong upang mapangalagaan ang kalusugan, nutrisyon, at kinabukasan ng ating mga kabataan. โค๏ธ

Lubos din ang aming pasasalamat sa pangunguna at pakikipag-organisa ni Kapitan Arnel Rieta, katuwang ang buong Barangay Council at Barangay Tanod, upang maging matagumpay ang programang ito.

Sa pagtutulungan ng iba't ibang sektor, mas nagiging handa ang komunidad at mas ligtas ang bukas para sa ating mga anak. ๐Ÿค๐ŸŒฑ

Maraming salamat sa Rotaract Club of Cavite Glowing Youth at sa lahat ng naging bahagi ng programang ito! ๐Ÿ’š








Address

Gahak
Kawit
4104

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Gahak posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share