20/08/2026
๐๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ ๐๐ญ ๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐๐๐: ๐๐๐๐, ๐๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ข ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ซ๐จ๐ฒ๐๐ค๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ญ๐๐๐๐ญ๐จ | ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐๐-๐๐, ๐๐๐๐
Nagsagawa ng dalawang araw na masusing pagtiyak at inspeksyon ang Provincial Project Monitoring Committee (PPMC), katuwang ang Provincial Development and Management Unit (PDMU) Cotabato Field Office, noong Agosto 11 hanggang 12, 2026. Laking layunin ng gawaing ito na suriin ang kalidad, katatagan, at kasalukuyang kalagayan ng iba't ibang proyektong impraspraktura ng pamahalaang lokal sa buong lalawigan.
Nagsimula ang inspeksyon sa loob mismo ng Capitol Compound, kung saan sinuri ng grupo ang isang bagong tayong Covered Court. Tiyak na pinag-aralan ng komite ang tibay at pangkalahatang estruktura nito upang masig**ong ligtas itong magagamit sa mga pampublikong gawain.Pagkatapos nito, nagtungo ang monitoring team sa Munisipyo ng Magpet. Doon ay kinilatis at sinuri rin ang katatagan at kasalukuyang kondisyon ng isa pang Covered Court na itinayo para sa mamamayan ng naturang bayan.Bago matapos ang unang araw, pumasok ang grupo sa Kidapawan City National High School (KCNHS) upang bisitahin ang itinayong Gymnasium. Masusing tiningnan ng PPMC at PDMU ang mga pasilidad, kalinisan, at pangkalahatang kalagayan ng nasabing gym upang masig**ong naaayon ito sa pamantayan para sa mga mag-aaral at g**o.
Ipinagpatuloy ng grupo ang kanilang pagsusuri sa Munisipyo ng Libungan. Ang pangunahing pokus sa araw na ito ay ang pasilidad ng paaralan ang University of Southern Mindanao (USM) Additional Building. Isa-isang tinignan, ininspeksyon, at sinuri ng monitoring team ang bawat bahagi at pasilidad ng bagong gusali upang matiyak na handa at ligtas itong magamit ng mga estudyante at kawani ng pamantasan.
Ang dalawang araw na aktibidad ng PPMC at PDMU ay nagpakita ng patuloy na dedikasyon ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pagpapanatili ng mataas na kalidad, kaligtasan, at pampublikong pakinabang ng mga proyektong impraspraktura sa rehiyon.