07/08/2026
|| Kabuuang 1,670 na pamilya mula sa tatlong barangay sa lungsod ng Kidapawan ang nabigyan ng tig‑sampung (10) kilo ng bigas bilang bahagi ng programa ng pamahalaang nasyonal at pagsisikap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbigay ng kaginhawaan sa mga mamamayan sa gitna ng kasalukuyang krisis na nararanasan sa bansa.
Sa pagsisikap ni Governor Emmylou "Lala" J. Taliño‑Mendoza na nagsilbing katuwang sa matagumpay na pagpapatupad ng programa, binisita ng mga kawani ng kapitolyo ang mga barangay ng Sto. Niño, San Roque, at San Isidro upang direktang ihatid ang nabanggit na tulong.
Abot sa P551,100.00 ang halaga ng naipamahaging bigas na bahagi ng kabuuang P169M pondo na natanggap ng lalawigan sa ilalim ng Local Government Support Fund o (LGSF). Ang mabilis at maayos na pamamahaging ito ay patunay na may gobyernong handang umalalay at tumulong sa panahon ng pangangailangan.//PGO-Sopresencia Photoby:PSWDO//