SIAP- OLD Kaabacan SGA chapter

SIAP- OLD Kaabacan SGA chapter Care for the people. Care for the community

06/01/2026
29/11/2025

Malugod nating binabati si Governor Dr. Mamintal “Bombit” Alonto Adiong, Jr. sa kanyang pagkakapili bilang isa sa mga ginawaran ng 40th Gusi Peace Prize International 2025. Ang Gusi Peace Prize ay isang internasyunal pagkilala at iginagawad sa mga indibidwal na may natatanging ambag sa kapayapaan at kaunlaran. Ang parangal na ito na iginagawad matapos ang masusing pagpili ay patunay ng kanyang pamumunong malaki ang pagpapahalaga sa kapayapaan, pagkakaisa, at tapat na paglilingkod. Sa Pilipinas, Si Governor Adiong, Jr. ang ating laureate.

Sa mahigit isang libong nominasyon taun-taon at iilang piling ginagawaran, ang pagkilalang ito kay Governor Adiong Jr. ay sumasalamin sa lawak at lalim ng kanyang ambag sa kaunlaran, hindi lamang sa Lanao del Sur kundi sa mas malawak na Bangsamoro. Nawa’y magsilbi itong higit pang inspirasyon upang ipagpatuloy ang mga gawaing nagtataguyod ng kaunlaran at pangmatagalang kapayapaan para sa ating mga mamamayan.

Another project to brgy. Pedtad Old kaabacan Sga Barmm...
03/11/2025

Another project to brgy. Pedtad Old kaabacan Sga Barmm...

03/10/2025

I gained 125 followers, created 4 posts and received 6 reactions in the past 90 days! Thank you all for your continued support. I could not have done it without you. 🙏🤗🎉

16/09/2025

Alam mo na ba kung saang district ka boboto ngayong Bangsamoro Parliament Election?

Madali lang po! Kapag ikaw ay galing sa Tamontaka Bridge papasok ng Cotabato City, ang nasa kaliwa ng Sinsuat Avenue ay District 2. Dito po tayo kumakandidato. Ang nasa kanan naman ay District 1.

Ano ang mga pangangailangan ng District 2, na tutugunan natin kapag tayo ang nanalong Parliament Representative?

1. Kabuhayan - Nagawa na po natin ito sa loob ng limang buwan simula nang makaupo tayo sa Parliament. Mayroong 197 na MSME owners at cooperatives ang nabigyan natin ng pagkakataong magkaroon ng puhunan pangnegosyo. Ipagpapatuloy natin ito dahil isa itong sangkap ng paglago ng ekonomiya sa ating lungsod.

2. Imprastruktura - Maraming kulang na imprastruktura sa ating lungsod na matutugunan ng paggawa ng batas sa Parliament. Mga imprastruktura na magpapaginhawa sa pang-araw-araw na buhay ng mga Cotabateños kabilang na ang paglutas sa problemang regular na pagbaha, kulang na pasilidad para sa edukasyon at kalusugan ng mga tagalungsod, kulang na pampublikong espasyo para sa mga recreational activities, kulang na pagresponde sa mga emergency at kalamidad, at iba pang mga pasilidad.

3. Permanente at may benepisyong trabaho para sa mga empleyado ng barangay - maraming trabahante sa mga barangay ang umaasa lamang sa allowance kahit na opisyal na mandato ng barangay ang kanilang trabaho kagaya ng VAWC desk, barangay daycare center, sanitation, security, barangay health center, at iba pa. Kailangan nila ng permanenting sweldo at benepisyo para may regular na mangangasiwa sa kapakanan ng mga mamamayan.

At iba pang mga makabuluhang batas para sa ating lahat dito sa lungsod ng Cotabato. Ilan lamang ito sa mga pinakamabilis nating magagawa kapag naibalik sa Parliamento. Mas marami at mas magaganda ang mga batas na naiisip natin para sa pagpapaunlad ng lungsod. Magtulungan po tayo sa pag-angat ng bawat isa.

⚫️ 5. SINARIMBO, Atty. Naguib
Cotabato City 2nd Parliamentary District






09/09/2025

Salaam, Cotabateños! Ngayong darating na October 13, 2025 Bangsamoro Parliamentary Elections, samahan po ninyo akong isulong ang laban sa Bangsamoro Parliament para makapaghatid ng serbisyong tutugon sa mga suliranin ng mga kababayan dito sa Cotabato City. Mga serbisyong hindi lamang maghahatid ng tulong kundi magreresolba rin sa mga deka-dekadang problema na natin sa kapayapaan, imprastruktura, kabuhayan, edukasyon at kalusugan. Kailangan natin ng isang mambabatas na may angking galing sa batas at nakikinig sa taumbayan.

Sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections, pumili NANG matalino. Pumili NG matalino. MP Atty. Naguib Sinarimbo po, Number 5 sa balota para sa District 2 ng Cotabato City.

⚫️ 5 SINARIMBO, Atty. Naguib
Cotabato City District 2






Address

Kidapawan
9407

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SIAP- OLD Kaabacan SGA chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share