04/09/2026
GUIDANCE NOTE FOR UPLIFT FINANCIAL ASSISTANCE:
GOOD DAY!
Wala pa pong advisory mula sa DSWD para sa UPLIFT Payout for the Month of August 2026. Sa ngayon po, nakatutok pa ang DSWD sa mga beneficiaries na hindi pa nakatanggap ng July 2026 Financial Assistance na nagkakahalaga ng Php2,000.
Para po sa mga hindi pa nakatanggap ng unang financial assistance o para sa buwan ng July 2026, maaari pa po silang mag-claim ngayong September 8, 2026, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa Kidapawan City Gymnasium.
Para naman po sa mga nakatanggap na ng Financial Assistance para sa July 2026, hintayin lamang po ang pagpasok ng inyong financial assistance para sa August hanggang December 2026, na direktang ipapadala sa inyong verified GCash account o bank account na isinumite ninyo sa DSWD o nairehistro ninyo sa pamamagitan ng Government-to-Person (G2P) Application.
Kung kayo po ay nakatanggap na ng July 2026 Financial Assistance ngunit hindi pa nakapagsumite o nakapagrehistro ng account, maaari po kayong magsumite ng inyong account details sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO), LGU Kidapawan, hanggang September 8, 2026. Ang pagsusumite o pagrerehistro ng account ay kinakailangan bilang bahagi ng requirements para sa August-December 2026 payouts.
Maraming salamat po sa inyong pakikipagtulungan.