06/05/2022
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐
๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ, ๐ป๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ด๐๐ฟ๐ผ ๐ฎ๐ ๐ป๐ผ๐ป-๐๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป๐ป๐ฒ๐น ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐น๐ถ ๐๐ฎ ๐ฒ๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฒ๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด, ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ผ๐น๐ถ๐๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐ฎ๐ฐ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ถ๐ฒ๐
Mayo 2, 2022 โ Habang papalapit na ang araw ng eleksiyon, mahigpit na nagbigay paalala ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa lahat ng mga opisyal, g**o, at non-teaching personnel na sasali sa electioneering at pagsasagawa ng partisan political activities kaugnay sa 2022 National at Local Elections.
Mula noong nakaraang taon, patuloy na pinaaalalahanan ng DepEd ang lahat patungkol sa pagbabawal sa mga kawani at empleyado ng gobyerno sa pagsali sa anomang electioneering at political partisan activities na nakasaad sa Saligang Batas at alinsunod sa mga umiiral na mga alituntunin at regulasyon ng Civil Service Commission (CSC) at ng Commission on Elections (COMELEC
Binigyang-diin sa DepEd Order No. 48, series of 2018 (Prohibition on Electioneering and Partisan Political Activity) at sa kalakip nitong CSC Resolution ang mga listahan ng ipinagbabawal na gawain at hindi kasamang mga aktibidad. Bukod pa rito, naglabas ang Office of the Undersecretary for Field Operations ng office memorandum (OM-OURO-22-030) na may petsang Marso 11, 2022, na naka-address sa lahat ng field officials at personnel na inuulit ang mga umiiral na polisiya ng gobyerno at ng DepEd sa electioneering at partisan political activities.
Binisita ng Election Task Force (ETF) na pinangunahan ni Pangalawang Kalihim Alain Del Pascua ang lahat ng mga rehiyon at dibisyon upang magsagawa ng briefings para sa mga g**o at kawani ng DepEd, at paalalahanan sila laban sa electioneering at partisan politics.
Nananawagan tayo sa ating mga kawani at opisyal ng DepEd na panindigan ang political neutrality sa serbisyo sa gobyerno at panatilihin ang propesyonalismo sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin. Ang pagkabigo ng sinomang kawani o opisyal ng DepEd na sumunod sa umiiral na mga patakaran at regulasyon ng DepEd, COMELEC, at CSC ay sasailalim sa mga kinakailangan na aksyong administratibo alinsunod sa DepEd Order No. 49, s. 2006 (Revised Rules of Procedure of the Department of Education in Administrative Cases), Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service, at sa Omnibus Election Code.