01/06/2026
🔴 LIVE: NATIONAL ICT MONTH 2026: KAPIHAN SA DICT | 01 June 2026 ☕️
Samahan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Regional Office XII (SOCCSKSARGEN & LAMA) sa opisyal na pagbubukas ng National ICT Month 2026.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng DICT ngayong Hunyo, tampok sa National ICT Month 2026 ang temang “Isang Dekadang Digital: Konektado sa Puso at Serbisyo,” na nagbibigay-pugay sa isang dekada ng pagsusulong ng digital transformation, pagpapaigting ng seguridad sa cyberspace, pagpapalawak ng connectivity, pagbubukas ng digital na opportunidad, at paghahatid ng mas mahusay na serbisyong digital para sa bawat Pilipino.
Pangungunahan ni DICT XII Regional Director, Engr. Ibrahim B. Guiapar, Jr., ang pagbabahagi ng mga programa, inisyatiba, at tagumpay ng ahensya tungo sa mas konektado, ligtas, inklusibo, at digitally empowered na Bagong Pilipinas.
Bahagi ito ng pagtupad sa utos ng Pangulo na gawing mas bukas, mas malinaw, at mas accessible ang pamahalaan para sa bawat Pilipino, upang matiyak na walang Pilipinong maiiwan sa digital na pag-unlad.
Tutok na at makisabay sa talakayan.