19/08/2026
TESDA SOX, TUMAKBO PARA SA TVET AT PAGKAKAISA SA IKA-32 ANIBERSARYO
Opisyal na inilunsad ng TESDA SOX ang pagdiriwang ng ika-32 Anibersaryo ng TESDA sa pamamagitan ng “Takbo Para sa Kinabukasan,” na nagtipon sa mga opisyal at kawani ng TESDA at mga katuwang na TVET institutions mula sa buong SOCCSKSARGEN.
Pinangunahan nina Regional Director Remegias G. Timonio at Dose TVET President Atty. Roy G. Dela Cruz, kasama ang daan-daang TVET partners, ang aktibidad na sumisimbolo sa pagkakaisa at sama-samang pangako para sa mas matatag, dinamiko, epektibo, at maagap na TVET system sa rehiyon.
Sa temang “Husay, Tibay, Tagumpay,” patuloy na isinusulong ng TESDA SOX ang paghubog ng mga Pilipinong may kasanayan at kakayahan para sa trabaho, pagnenegosyo, at patuloy na pag-unlad.
Binigyang-diin ni RD Timonio ang kahalagahan ng pagkakaisa at patuloy na pagpapalakas ng mga programa sa TVET.
Aniya, “Sama-sama, malalampasan natin ang mas maraming hamon at makalilikha ng mas maraming oportunidad para sa ating mga mag-aaral.”
Ang “Takbo Para sa Kinabukasan” ay simbolo ng sama-samang pagkilos ng TESDA at mga TVET partners tungo sa isang kinabukasang puno ng kasanayan, oportunidad, at tagumpay.
Sama-sama tayong tumakbo para sa kinabukasan!
HUSAY, TIBAY, TAGUMPAY!