Crisis Intervention Section 12

Directions

Crisis Intervention Section 12 Ito ang opisyal na account ng CIS Region 12 kung saan nakapailalim ang programang AICS.

Apat na pamilyang nabiktima ng sunog sa South Cotabato, tinulungan ng DSWDSouth Cotabato— Nagpaabot ng tulong pinansiyal...
06/08/2026

Apat na pamilyang nabiktima ng sunog sa South Cotabato, tinulungan ng DSWD

South Cotabato— Nagpaabot ng tulong pinansiyal ang Department of Social Welfare and Development Field Office 12 (DSWD XII) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program sa apat na pamilyang naapektuhan ng sunog sa Maharlika, Tantangan, South Cotabato.

Ayon sa mga biktima, isang solar light ang pinagmulan ng sunog na naging sanhi ng pagkakatupok ng apat na bahay.

Bilang agarang tulong, ang bawat pamilya ay tumanggap ng tig-₱10,000 na cash relief assistance upang makatulong sa kanilang mga pangunahing pangangailangan habang sila ay unti-unting bumabangon mula sa pagkawala ng kanilang mga tahanan at mga ari-arian.

Patuloy na ipinatutupad ng DSWD ang AICS Program bilang bahagi ng mandato nitong magbigay ng agarang tulong sa mga indibidwal at pamilyang dumaranas ng krisis.

MAHALAGANG PAALALA PARA SA MGA UPLIFT GROUP 2 BENEFICIARIES📢Nais linawin ng DSWD na ang UPLIFT Government-to-Person (G2P...
06/08/2026

MAHALAGANG PAALALA PARA SA MGA UPLIFT GROUP 2 BENEFICIARIES📢

Nais linawin ng DSWD na ang UPLIFT Government-to-Person (G2P) App ay HINDI ginagamit bilang eligibility checker. Ang app ay magagamit lamang ng mga Group 2 beneficiaries na nakatanggap na ng kanilang unang Php2,000 UPLIFT Assistance sa pamamagitan ng manual payout.

Kung hindi pa dumarating ang inyong payout schedule, normal lamang na wala pa kayong record na makikita sa App. Hinihiling namin na hintayin ang inyong official schedule ng manual payout para ma-update ang inyong inyong preferred payout option para sa mga susunod na payout.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa UPLIFT Assistance, i-follow ang official page ng DSWD sa .

❤️

UPLIFT FACTS | Wala pa akong National ID. Makakatanggap pa rin ba ako ng UPLIFT Assistance?Para sa mga Group 2 beneficia...
05/08/2026

UPLIFT FACTS | Wala pa akong National ID. Makakatanggap pa rin ba ako ng UPLIFT Assistance?

Para sa mga Group 2 beneficiaries na wala pang National ID, maaari pa ring gumamit ng anumang valid government-issued ID para matanggap ang UPLIFT Assistance sa inyong scheduled one-time manual payout.

May mga tauhan din mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa ilang payout sites na handang tumulong sa pagpaparehistro at pagproseso ng inyong National ID.

Abangan ang iba pang UPLIFT Facts dito lamang sa official page ng DSWD ()!

❤️

03/08/2026

📢 May katanungan ka ba sa Government-to-Person (G2P) Account?

Panoorin ang aming step-by-step video tutorial para sa mabilis at tamang proseso ng registration gamit ang BBM Serbisyo.

✅ Sundin ang bawat hakbang.�✅ Ihanda ang inyong GCash o Landbank account.�✅ Siguraduhing tama ang lahat ng impormasyong ilalagay upang maiwasan ang delay sa pagtanggap ng inyong cash assistance.

🎥 Panoorin ang buong video at i-share ito sa kapwa beneficiaries upang makatulong sa mas maraming makapag-register.

📌 Para sa opisyal na updates at anunsyo tungkol sa UPLIFT Cash Assistance, i-follow ang DSWD Field Office XII page.

Si Gregie Taban ay nagtatanim ng mais. Sa loob ng apat na buwan, humigit-kumulang ₱9,000 lamang ang kinikita nila sa pag...
24/07/2026

Si Gregie Taban ay nagtatanim ng mais. Sa loob ng apat na buwan, humigit-kumulang ₱9,000 lamang ang kinikita nila sa pagsasaka, at iyon ang ipinagkakasya para sa kanilang dalawang anak.

Malaking tulong ang natanggap nilang ayuda dahil nakadagdag ito sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Lubos ang kanilang pasasalamat sa tulong na kanilang natanggap.

Ayon sa kanila, hindi naman problema ang ulam dahil may mga tanim sila sa bukid na maaaring anihin. Ang pinakamalaking hamon ay ang pambili ng bigas, kaya malaking ginhawa para sa kanilang pamilya ang natanggap na suporta.

DSWD XII supports reintegration of 16 FRs and FVEs through Cash Relief AssistanceThe Department of Social Welfare and De...
24/07/2026

DSWD XII supports reintegration of 16 FRs and FVEs through Cash Relief Assistance

The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XII, through its Crisis Intervention Section (CIS), provided Cash Relief Assistance amounting to ₱5,000.00 each to sixteen (16) Friends Rescued (FRs) and Former Violent Extremists (FVEs) during their Completion Program held at the Kapayapaang Angat Center in Brgy. Tinongcop, Tantangan, South Cotabato on July 24, 2026.

The assistance aims to help the beneficiaries meet their immediate needs as they transition back into their communities and begin rebuilding their lives through the government's peace and reintegration efforts.

935 na Benepisyaryo sa Tampakan, tumanggap ng DSWD UPLIFT AssistanceTampakan, South Cotabato – May kabuuang 935 na benep...
23/07/2026

935 na Benepisyaryo sa Tampakan, tumanggap ng DSWD UPLIFT Assistance

Tampakan, South Cotabato – May kabuuang 935 na benepisyaryo sa nasabing lugar ang tumanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport (UPLIFT) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XII ngayong Hulyo 23, 2026.

Ang mga benepisyaryo ay kabilang sa Group 2, na binubuo ng mga non-4Ps o Walang Gutom Program beneficiaries base sa datos ng 2024 CBMS ng PSA na kwalipikado para sa naturang programa at tatanggap ng P2000 pesos.

Patuloy ang DSWD Field Office XII sa sabayang pamamahagi ng UPLIFT Assistance sa iba't ibang lalawigan at lungsod sa Region XII at BARMM bilang bahagi ng layunin ng programa na makatulong sa mga pamilyang naapektuhan ng krisis sa Gitnang Silangan.

2,418 benepisyaryo sa Tacurong City, tumanggap ng UPLIFT assistanceTacurong City, Sultan Kudarat — Umabot sa 2,418 benep...
23/07/2026

2,418 benepisyaryo sa Tacurong City, tumanggap ng UPLIFT assistance

Tacurong City, Sultan Kudarat — Umabot sa 2,418 benepisyaryo ang tumanggap ng cash assistance sa ilalim ng Unified Package for Livelihood, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Program na isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XII sa lungsod ng Tacurong.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga low-wage earners at iba pang kwalipikadong indibidwal na natukoy sa ilalim ng programa upang makatanggap ng agarang tulong mula sa pamahalaan.

Ayon sa isa sa mga benepisyaryo na isang driver, malaking ginhawa ang natanggap na assistance dahil makatutulong ito sa kanilang pang-araw-araw na gastusin, lalo na sa patuloy na pagtaas at pagbaba ng presyo ng gasolina na direktang nakaaapekto sa kanilang kabuhayan.

Patuloy na ipinatutupad ng pamahalaan ang UPLIFT Program upang magbigay ng suporta sa mga pamilyang nangangailangan at makatulong sa pag-angat ng kanilang kalagayan sa gitna ng mga hamon sa ekonomiya.

21/07/2026

Nakakapag-alala at napakabigat ng pinagdadaanan ngayon ng pamilya ni Jackylyn Magbanua. Ang biglaang aksidente at kawalan ng kakayahang makalakad ng kanyang asawa ay talagang napakalaking pagsubok, lalo na't nakasalalay lamang sila ngayon sa kita ng kanyang maliit na sari-sari store.

Sa gitna ng ganitong kagipitan, ang ₱2,000 na kanyang matatanggap ay napakalaking tulong para kahit papano ay maipondo sa mga pinaka-pangunahing pangangailangan katulad ng pangkain, gamot at gastos sa bahay ng kanilang pamilya habang nagpapagaling ang kanyang asawa.

UPLIFTing Update: Patuloy ang pamamahagi ng UPLIFT Cash Assistance sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat!Mahigit 3,000 n...
21/07/2026

UPLIFTing Update: Patuloy ang pamamahagi ng UPLIFT Cash Assistance sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat!

Mahigit 3,000 na benepisyaryo na kabilang sa Category 2 (poor at near-poor households na wala sa 4Ps at Walang Gutom Program batay sa CBMS) ang masayang tumanggap ngayong araw ng kanilang ₱2,000 paunang tulong-pinansyal. Isinagawa ang pamamahaging ito upang personal na maiabot ang paunang ayuda at maiproseso ang kanilang datos para sa transisyon sa digital distribution.

Simula sa mga susunod na payout hanggang sa buwan ng Disyembre 2026, ipapadala na ang buwanang ₱2,000 assistance sa pamamagitan ng GCash.

Patuloy ang DSWD sa pagbibigay ng mabilis, direktang tulong at makabagong serbisyo para sa bawat pamilyang Pilipino! ❤️


Address

Maranion Village, Brgy. Zone III
Koronadal
9506

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Crisis Intervention Section 12 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share