17/08/2026
DSWD SFP, matagumpay ang pagsisimula sa General Santos City
General Santos City — Matagumpay na isinagawa ngayong Agosto 17, 2026 ang inauguration na pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng General Santos City sa pagkikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Supplementary Feeding Program (SFP) sa Dadiangas West Elementary School, General Santos City.
May kabuuang 9,055 batang benepisyaryo ang target na mapagsilbihan sa General Santos City, bahagi ng 95,000 target beneficiaries sa buong SOCCSKSARGEN Region. Ang programa ay patuloy na isinusulong sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DSWD at mga lokal na pamahalaan upang makatulong sa pagtugon at pagsugpo sa malnutrisyon.
Bahagi ng implementasyon ng SFP ang pamamahagi ng mga food commodities na gagamitin sa feeding activities. Nagpaabot naman ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa patuloy na suporta ng DSWD at sa mga programang nakatutulong sa kapakanan at nutrisyon ng mga bata at komunidad.