17/08/2026
SA LARAWAN I LGU INTERFACING AT DEPLOYMENT KAY LGOO II KARYN JANE S. DOLIDO PARA SA SUPERVISED FIELD WORK
Pormal na ini-endorse ng Department of the Interior and Local Government (DILG) South Cotabato si LGOO II Karyn Jane S. Dolido sa Local Government Unit (LGU) ng Lungsod ng Koronadal para sa kanyang Supervised Field Work, bilang bahagi ng kanyang pagsasanay at pagpapaunlad ng kaalaman at kasanayan sa larangan ng lokal na pamamahala.
Dinaluhan ang naturang aktibidad nina Mr. Hayd-Ali S. Suwaib, Provincial Director, DILG South Cotabato, CLGOO Ms. Jennifer C. Fernandez, MTRM, at Hon. Erlinda P. Araquil, MDMG, DPA, City Mayor ng Koronadal, na malugod na tumanggap at bumati sa trainee at nagpahayag ng suporta sa kanyang supervised field work at learning experience sa lungsod.
Ang deployment na ito ay nagpapakita ng patuloy na matibay na ugnayan at pagtutulungan ng DILG at LGU Koronadal sa paghubog ng mga mahusay, may kakayahan, at dedikadong kawani para sa mahusay na lokal na pamamahala at serbisyo publiko.
Sa pamamagitan ng supervised field work, magkakaroon si LGOO II Dolido ng mahalagang pagkakataon upang magkaroon ng aktuwal na karanasan at mas malalim na pag-unawa sa mga operasyon ng lokal na pamahalaan at sa paghahatid ng epektibong serbisyo sa mga mamamayan.
Malugod na pagtanggap sa Koronadal City, LGOO II Karyn Jane S. Dolido! Nawaβy maging makabuluhan, produktibo, at kapaki-pakinabang ang iyong supervised field work.