23/03/2026
📢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗗𝗔𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗠𝗕𝗟𝗬!
Matagumpay na naisagawa ang Barangay Assembly ng Brgy. Sto. Niño na dinaluhan ng mga mamamayan, opisyal ng barangay, at iba pang mga stakeholder upang mapalakas ang pagkakaisa at kaunlaran ng ating komunidad.
Sa nasabing pagtitipon, naibahagi ang mahahalagang ulat ukol sa mga programa, proyekto, at mga nagawang serbisyo ng barangay, pati na rin ang ulat pinansyal. Naging daan din ito upang maipahayag ng mga residente ang kanilang mga suhestiyon, hinaing, at opinyon para sa ikabubuti ng ating lugar.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at nakibahagi sa aktibidad na ito. Ang inyong suporta at pakikiisa ay patunay ng tunay na diwa ng bayanihan.
Sama-sama po nating ipagpatuloy ang pagsusulong ng isang maunlad, mapayapa, at nagkakaisang Brgy. Sto. Niño.