06/11/2021
Ano ang MANDANAS RULING? Narinig niyo na ba eto sa inyong purok o barangay?
Ang Mandanas Ruling ay decision ng Supreme Court (2019) doon sa petition na inihain ni Governor Mandanas ng Batangas na humihiling na ang share o Internal Revenue Allotment ng mga LGUs ay manggagaling dapat sa lahat ng taxes o buwis na nakokolekta ng national government. Dati kasi, ang source ng IRA ay galing lang sa national internal revenue taxes. Ibig sabihin, dati ay walang share ang LGUs sa ibang taxes na nakokolekta ng national government tulad ng tariff at customs duties na kinokolekta ng Bureau of Customs, excise taxes at iba pa.
Dahil sa pag-aaproba ng Supreme Court sa petition ni Governor Mandanas, tataas ang IRA ng bawat LGU na aabot hanggang 55% ang increase. Dahil mag-iincrease ang IRA ng bawat LGU, may mga programa ng mga national agencies tulad ng DSWD na ma-dedevolve o malilipat sa LGUs. Ibig sabihin niyan ay si LGU na ang mag-iimplement sa mga piling programa ng DSWD at LGU narin ang susuweldo sa mga workers ng mga programa.
Sa kabilang dako, liliit din ang budget ng mga national agencies dahil nga malilipat ang ilan sa mga programa nito doon sa LGUs.
May pros and cons o positive at negative na impact ng Mandanas Ruling. Ang maganda dito ay made-decentralize ang serbisyo para mga tao. Hndi na kailangan pang pumunta ang clients o mga tao sa opisina ng DSWD para humingi ng tulong dahil nasa LGUs na ang programa at budget. Mas nailapit kumbaga ang programa para mga tao. Pangalawa ay mas mabibigyan ng pagkakataon ang bawat LGU na paunlarin ang kani kaniyang locality dahil lumaki ang pera ng kanilang bayan at kontrolado nila eto.
Pero may mga negative parin na epekto ang ruling tulad ng mga eto:
1. Pwedeng gamitin ng LGUs ang mga programa sa pamumulitika. Halimbawa, maaaring bigyan ng pabor ni mayor ang mga kakampi sa pulitika at hindi bigyan ng attention ang pangangailangan ng mga taong hindi siya binoto. Dahil sa dagdag pundo ay lalong lalakas ang makinarya ng mga mapagsamantalang pulitiko.
2. Hindi naman lahat, pero may mga politicians na parang sarili nilang kayamaan ang IRA ng munisipyo, at dahil sa pag-increase ng IRA ay parang nag-increase narin ang kanilang source of income o kayamanan.
3. May mga mawawalan ng trabaho kung hindi i-absorb ng LGUs ang mga workers ng national agencies na nag-iimplement ng mga programa sa field.
Sana po maliwanag. Ingat tayo palage.
CTTO Raiz Ampaso
"Respeto at malasakit sa may kapansanan"