01/10/2025
๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก โ ๐ฎ๐ฆ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐ค๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ข๐ฌ๐ค๐ฐ๐๐ง๐ญ๐จ!
Kasabay ng pagsimula ng 25th Charter Anniversary and Negosyo Festival ng Lungsod ng Koronadal, opisyal ding binuksan ang Grand Sale Month sa pamamagitan ng isang maikling programa sa Mall of Ace Centerpoint (MAC) nitong Oktobre 1, 2025.
Kaugnay nito, personal na nilibot ng mga opisyal at kawani ng pamahalaang lungsod at ng mga bisita ang nasabing establisemento upang usisain ang mga bigating diskwento.
Dumalo naman sa nasabing programa sina Konsehal Charene Kristelle โEinaโ Jumilla-Pama, Konsehal Maylene Bascon-De Guzman, Festival Director and City Legal Officer Christy Joy Sollesta, Grand Sale Commitee Chairperson at BLPD Head Gilbert Gayosa, Festival Secretariat Kirbie Mae Pacinabao-Obando, former City Mayor at CADAC Head Vicente R. De Jesus, mga partner agencies mula sa pribado at pampublikong ahensiya, mga department heads at kawani ng lungsod at si MAC General Manager Sonny Lao.
Naitatag ang buwan ng Oktobre bilang Grand Sale Month sa bisa ng City Ordinance No. 4, series of 2010.