08/05/2025
๐ฏ ๐๐๐ ๐๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ๐ค๐ง๐ข๐ ๐๐ฉ ๐๐ง๐ค๐๐ง๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐๐ง. ๐๐ค๐ช๐๐ ๐ฟ๐๐๐๐ก๐๐จ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐จ ๐๐๐ช๐ฃ๐ก๐๐, ๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ค, ๐๐ฉ ๐๐๐๐๐ง๐ฃ๐ค๐ฃ๐ ๐พ๐๐ฉ๐ฎ ๐ค๐ ๐๐ค๐ง๐ค๐ฃ๐๐๐๐ก ๐ฏ
Bilang isang engineer, e-governance consultant, at tagapagtaguyod ng makabagong serbisyo publiko, inihahain ni Engr. Louie Dideles ang mga konkretong programa na nakatuon sa pagpapalakas ng kabuhayan, kaalaman, kaligtasan, koneksyon, at kalikasan.
๐ต 1. Livelihood Programs sa lahat ng Purok at sector ng TODA, Kababaihan, Magsasaka, at PWD
Layunin ng platapormang ito na bigyan ng tunay na hanapbuhay at kabuhayan ang bawat sektor sa lipunan mula sa mga tricycle drivers, kababaihan, magsasaka, at maging ang mga Persons with Disability (PWD).
Sa bawat Purok, maglalagay tayo ng mga programang pangkabuhayan tulad ng skills training, puhunan, at tulong pang-negosyo. Hindi lang ito ayuda, ito ay pag-angat ng buhay ng bawat isa. Gusto nating tiyakin na may kita at dignidad ang bawat mamamayan sa sariling komunidad.
๐ต 2. Libreng TESDA Training para sa Youth Sector
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, pero paano sila aasenso kung walang oportunidad? Kaya isinusulong ko ang libreng TESDA training para sa kabataang walang trabaho o hindi nakatapos ng kolehiyo.
Dito matututo sila ng skills na may demand tulad ng computer programming, welding, cooking, driving, at iba pa para agad makahanap ng trabaho o makapagsimula ng sariling kabuhayan. Libre na, may certificate pa na kinikilala sa buong bansa.
๐ต 3. Smart City Services โ mabilis na serbisyo ng City Hall
Panahon na para gawing moderno at mabilis ang serbisyo sa City Hall gamit ang teknolohiya.
Sa ilalim ng Smart City Services, pwede nang mag-apply ng business permit, bayad sa amilyar, o humingi ng dokumento online at hindi na pipila ng matagal. Hindi lang ito tungkol sa teknolohiya, ito ay para sa mas maginhawang buhay para sa lahat. Serbisyong abot-kamay, hindi palaging abala.
๐ต 4. Barangay-Wide CCTV at 911 Command Center para sa Kaligtasan
Ligtas na komunidad ay masayang komunidad. Kaya itatayo natin ang Barangay-wide CCTV system at 911 Command Center para mas mabilis ang responde sa krimen, sunog, aksidente o anumang emergency. Hindi lang ito proteksyon, kundi seguridad para sa bawat pamilya para makatulog kayo ng mahimbing, alam ninyong may gobyernong nagbabantay sa inyo 24/7.
๐ต 5. Free WIFI sa lahat ng Purok Centers
Sa panahon ngayon, koneksyon ay karapatan. Kayaโt isinusulong natin ang libreng WIFI sa bawat Purok Center para sa mga estudyante, job seekers, online sellers, at lahat ng gustong matuto at magnegosyo gamit ang internet.
Ito ay para siguraduhin na walang maiiwan sa digital na mundo. Gamit ang koneksyon, magkakaroon ng mas maraming oportunidad ang bawat Koronadaleรฑo.
๐ต 6. Proteksyon sa Kalikasan at NO TO MINING sa Koronadal
Ang kalikasan ay buhay. Kaya't buong puso nating tututulan ang pagmimina sa Koronadalat South Cotabato.
Hindi tayo papayag na sirain ang ating kabundukan, kabukiran, at katubigan kapalit ng pansamantalang kita.
Ipaglalaban natin ang sustainable at malinis na kapaligiran para sa kalusugan ng ating mga anak at kinabukasan ng susunod na henerasyon. Isusulong natin ang tree planting, waste segregation, clean energy, at eco-tourism.
No to mining, yes to life. No to destruction, yes to preservation.
Ang mga platapormang ito ay sagot sa tunay na pangangailangan ng bawat Koronadaleรฑo mula sa kabataan hanggang sa mga sektor ng TODA, kababaihan, magsasaka, PWD, at buong komunidad.
Engineer Louie Dideles po para City Councilor
Numero 12 para sa Mayo 12