Bureau of Fire Protection - Region XII

Bureau of Fire Protection - Region XII Welcome to the Official page of the Bureau of Fire Protection Region 12, managed by the BFP12 Public Information Unit.

Stay updated with the latest news, events, and safety tips. For inquiries, contact us at [email protected] For more contact information, kindly message our page with "How to contact?".

06/08/2026

BFP, PNP apprehend Fire Officer in an Illegal Recruitment Entrapment

The Bureau of Fire Protection, in a joint effort with the Philippine National Police (PNP), apprehended a BFP personnel allegedly involved in the illegal recruitment scam during an entrapment operation on Wednesday, August 5, in Dagupan City, Pangasinan.

The 36-year old suspect, holding the position of Fire Officer 3 (FO3), is currently assigned at one of the the fire stations in Region 1.

The operation stemmed when the 25-year old victim reported to PNP Dagupan City. The suspect allegedly demanded an amount of ₱150,000.00 in exchange for securing employment in the BFP. Acting quickly, the BFP Region 1 headed by Regional Director FCSUPT Antonio N Razal Jr, and Police Station 1, set up the entrapment operation.

During the operation, the victim handed the marked money inside a vehicle. The suspect noticed the approaching police and sped away and was eventually cornered. Investigators are still trying to locate the marked money, which may have been discarded during the pursuit.

The suspect is currently in PNP custody and faces inquest proceedings. He was previously suspended in a separate administrative case for a similar offense. In the past incident, he returned the money which prevented a formal entrapment at that time.

In a statement, BFP Officer-in-Charge FCSUPT Wilberto Rico Neil A Kwan Tiu said that the BFP remains committed to a strict and fair hiring process. “We do not tolerate corruption in our ranks. We are closely working with the police to ensure anyone exploiting applicants will face the law. We will hold our personnel accountable for their actions.” FCSUPT Kwan Tiu said.

The BFP, through the “OPLAN SANTINDIG,” conducts an anti-extortion campaign on recruitment, promotions and transfers to ensure integrity within its ranks. Applicants are reminded that payment is not required to gain entry in the BFP, and application is strictly based on merit and fitness. The public is encouraged to report any recruitment irregularities.

𝐁𝐅𝐏 𝟏𝟐 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐃𝐈𝐑𝐄𝐂𝐓𝐎𝐑, 𝐃𝐔𝐌𝐀𝐋𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐄𝐑𝐅𝐎𝐑𝐌𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐑𝐄𝐕𝐈𝐄𝐖 𝐂𝐎𝐍𝐅𝐄𝐑𝐄𝐍𝐂𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐔𝐖𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐂𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔⁣⁣Dumalo s...
06/08/2026

𝐁𝐅𝐏 𝟏𝟐 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐃𝐈𝐑𝐄𝐂𝐓𝐎𝐑, 𝐃𝐔𝐌𝐀𝐋𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐄𝐑𝐅𝐎𝐑𝐌𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐑𝐄𝐕𝐈𝐄𝐖 𝐂𝐎𝐍𝐅𝐄𝐑𝐄𝐍𝐂𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐔𝐖𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐂𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔⁣

Dumalo si 𝐅𝐒𝐒𝐔𝐏𝐓 𝐄𝐃𝐆𝐀𝐑 𝐖 𝐓𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐃𝐒𝐂, Acting Regional Director ng Bureau of Fire Protection Region 12, sa Performance Review Conference para sa Ikalawang Kuwarter ng Calendar Year 2026 na ginanap noong Agosto 5, 2026 sa Bureau of Fire Protection National Headquarters.⁣

Pinangunahan ang naturang pagpupulong ng Bureau of Fire Protection sa pamumuno ni Officer-in-Charge, 𝐅𝐂𝐒𝐔𝐏𝐓 𝐖𝐈𝐋𝐁𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐑𝐈𝐂𝐎 𝐍𝐄𝐈𝐋 𝐀 𝐊𝐖𝐀𝐍 𝐓𝐈𝐔, 𝐃𝐒𝐂, kasama ang mga BFP Command Group, Directors, NHQ Chiefs of Support Services, Regional Directors at iba pang Key Officers upang suriin ang mga naging resulta ng operasyon, talakayin ang mga pangunahing tagumpay at hamon, at maglatag ng mga estratehiya para sa mas epektibong pagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng ahensya.⁣

Naging mahalagang bahagi ng kumperensya ang pagsusuri sa mga performance indicators ng bawat rehiyon, pagbabahagi ng mga pinakamahusay na gawain (best practices), at pagpapalakas ng koordinasyon upang higit pang mapaunlad ang kalidad ng serbisyo publiko, lalo na sa larangan ng fire safety, emergency response, at disaster preparedness.⁣

Ang pagdalo ni 𝐅𝐒𝐒𝐔𝐏𝐓 𝐓𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐍 ay sumasalamin sa patuloy na dedikasyon ng BFP Region 12 sa pagtataguyod ng mahusay na pamamahala, pananagutan, at kahusayan sa paglilingkod, alinsunod sa layunin ng Bureau of Fire Protection na makapaghatid ng epektibo at makabagong serbisyo para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

Photo Credits: BFP NHQ P*S

06/08/2026
06/08/2026
𝐊𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐆𝐈𝐓𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐔𝐒𝐈𝐊𝐀: 𝐁𝐅𝐏 𝟏𝟐 𝐒𝐎𝐔𝐋𝐅𝐈𝐑𝐄 𝐁𝐀𝐍𝐃 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐀𝐍𝐆𝐇𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐒𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐂𝐎𝐓𝐀𝐁𝐀𝐓𝐎 𝐃𝐑𝐑𝐌 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐈𝐓⁣⁣Ipinamalas ng Bu...
05/08/2026

𝐊𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐆𝐈𝐓𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐔𝐒𝐈𝐊𝐀: 𝐁𝐅𝐏 𝟏𝟐 𝐒𝐎𝐔𝐋𝐅𝐈𝐑𝐄 𝐁𝐀𝐍𝐃 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐀𝐍𝐆𝐇𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐒𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐂𝐎𝐓𝐀𝐁𝐀𝐓𝐎 𝐃𝐑𝐑𝐌 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐈𝐓⁣

Ipinamalas ng Bureau of Fire Protection Region 12 Soulfire Band, sa ilalim ng pamumuno ni 𝐅𝐒𝐒𝐔𝐏𝐓 𝐄𝐃𝐆𝐀𝐑 𝐖 𝐓𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐃𝐒𝐂, Acting Regional Director, ang kanilang husay sa musika at patuloy na suporta sa pagsusulong ng katatagan ng komunidad sa pamamagitan ng isang tampok na pagtatanghal sa 2026 South Cotabato Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Summit na may temang "The BRAVE Advocacy: Building Resilience through Awareness, Vigilance, and Education,"na ginanap noong Agosto 3, 2026 sa South Cotabato Gymnasium and Cultural Center.⁣

Bahagi ang nasabing summit ng patuloy na inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato upang higit pang palakasin ang kahandaan sa sakuna at katatagan ng mga komunidad. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa mga pambansang ahensya ng pamahalaan, mga lokal na yunit ng pamahalaan, mga emergency responder, mga organisasyong sibiko, mga institusyong pang-akademiko, at iba pang mga katuwang upang magbahagi ng pinakamahuhusay na pamamaraan, palakasin ang ugnayan, at paigtingin ang mga programa at inisyatiba sa disaster risk reduction and management sa buong lalawigan.⁣

Nagbigay ang BFP 12 Soulfire Band ng isang masigla at makabuluhang pagtatanghal na hindi lamang nagbigay-aliw sa mga dumalo kundi naghatid din ng mensahe ng pagkakaisa, kahandaan, at sama-samang pagkilos sa pagbuo ng mga pamayanang matatag laban sa sakuna. Sa pamamagitan ng kanilang musika, muling ipinamalas ng BFP 12 ang dedikasyon nito sa paggamit ng mga malikhain at makabuluhang plataporma upang higit pang mapalawak ang kamalayan ng publiko sa kaligtasan at kahandaan sa sakuna.

"𝐒𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐬𝐞𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐦𝐨𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐚𝐧𝐨 𝐛𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭𝐢𝐧—𝐢𝐬𝐢𝐩, 𝐩𝐮𝐬𝐨, 𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐦𝐚? 𝐀𝐧𝐠 𝐭𝐨𝐭𝐨𝐨, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐭...
05/08/2026

"𝐒𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐬𝐞𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐦𝐨𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐚𝐧𝐨 𝐛𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭𝐢𝐧—𝐢𝐬𝐢𝐩, 𝐩𝐮𝐬𝐨, 𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐦𝐚? 𝐀𝐧𝐠 𝐭𝐨𝐭𝐨𝐨, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐦𝐢𝐥𝐢 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠. 𝐃𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐢𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧. 𝐃𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐡𝐮𝐥𝐢, 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐦𝐨𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐫𝐚𝐧𝐠𝐠𝐨, 𝐤𝐮𝐧𝐝𝐢 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝."⁣

-𝐅𝐒𝐒𝐔𝐏𝐓 𝐄𝐃𝐆𝐀𝐑 𝐖 𝐓𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐃𝐒𝐂’s message during the Oath Taking and Pinning of Ranks Ceremony for newly promoted Non-commissioned Officers

𝐁𝐅𝐏 𝟏𝟐 𝐅𝐒𝐄𝐃 𝐓𝐈𝐍𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐋𝐄𝐆𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐅𝐒𝐄𝐆-𝐍𝐇𝐐 𝐀𝐓 𝐃𝐒𝐖𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐅𝐈𝐑𝐄 𝐒𝐀𝐅𝐄𝐓𝐘 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐒𝐒𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐀𝐒𝐈𝐋𝐈𝐃𝐀𝐃 𝐍𝐆 𝐃𝐒𝐖𝐃⁣⁣⁣...
04/08/2026

𝐁𝐅𝐏 𝟏𝟐 𝐅𝐒𝐄𝐃 𝐓𝐈𝐍𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐋𝐄𝐆𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐅𝐒𝐄𝐆-𝐍𝐇𝐐 𝐀𝐓 𝐃𝐒𝐖𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐅𝐈𝐑𝐄 𝐒𝐀𝐅𝐄𝐓𝐘 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐒𝐒𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐀𝐒𝐈𝐋𝐈𝐃𝐀𝐃 𝐍𝐆 𝐃𝐒𝐖𝐃⁣⁣
⁣⁣
Malugod na tinanggap ng Bureau of Fire Protection Region 12, sa pamumuno ni 𝐅𝐒𝐒𝐔𝐏𝐓 𝐄𝐃𝐆𝐀𝐑 𝐖 𝐓𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐃𝐒𝐂, Acting Regional Director, at sa pamamagitan ng Fire Safety Enforcement Division (FSED) na pinamumunuan ni Acting Chief, 𝐅𝐂𝐈𝐍𝐒𝐏 𝐉𝐔𝐍𝐍𝐄𝐋 𝐉𝐀𝐘 𝐋 𝐑𝐀𝐁𝐎𝐑𝐀𝐑, ang mga kinatawan mula sa Fire Safety Enforcement Group–National Headquarters (FSEG-NHQ), Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office, at DSWD Regional Office XII sa isang courtesy visit na isinagawa noong Agosto 4, 2026 sa BFP 12 Regional Headquarters. ⁣⁣

⁣⁣Ang courtesy visit ay bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan at koordinasyon sa isasagawang Ocular Inspection at Fire Safety Inspection sa mga piling pasilidad ng DSWD sa Region 12. Layunin ng aktibidad na matiyak ang pagsunod ng mga naturang institusyon sa mga itinakdang pamantayan sa kaligtasan laban sa sunog upang higit na maprotektahan ang kanilang mga kliyente, residente, at mga kawani.⁣⁣
⁣⁣
Kabilang sa bumisita sina FO2 Matthew Louise C Celis at Engr. A***n R. Cabitte (NUP) mula sa Fire Safety Enforcement Group–National Headquarters, kasama ang mga kinatawan ng DSWD Central Office at DSWD Regional Office XII.⁣⁣
⁣⁣
Kasunod ng courtesy visit, magsasagawa ang grupo ng Occular Inspection at Fire Safety Inspection sa Regional Rehabilitation Center for Youth,Reception and Study Center for Children, at Home for Girls and Women sa Tantangan, South Cotabato, gayundin sa Area Vocational and Rehabilitation Center IV (Center for Handicapped) sa Koronadal City.⁣⁣
⁣⁣
Ang gawaing ito ay nagpapakita ng matibay na pagtutulungan ng BFP at DSWD sa pagsusulong ng mas mataas na antas ng kaligtasan sa sunog sa mga pasilidad ng pamahalaan, lalo na sa mga institusyong nagsisilbi at nangangalaga sa mga sektor na higit na nangangailangan ng proteksiyon at seguridad.

𝐁𝐅𝐏 𝟏𝟐 𝐈𝐆𝐈𝐍𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐄𝐃𝐀𝐋𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃 𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐑𝐄𝐓𝐈𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐖𝐀𝐍𝐈⁣⁣⁣⁣Bilang pagkilala sa kanyang tapat at ...
04/08/2026

𝐁𝐅𝐏 𝟏𝟐 𝐈𝐆𝐈𝐍𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐄𝐃𝐀𝐋𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃 𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐑𝐄𝐓𝐈𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐖𝐀𝐍𝐈⁣⁣
⁣⁣
Bilang pagkilala sa kanyang tapat at natatanging paglilingkod sa loob ng halos tatlong dekada, iginawad ng Bureau of Fire Protection Region Office 12, sa ilalim ng pamumuno ni 𝐅𝐒𝐒𝐔𝐏𝐓 𝐄𝐃𝐆𝐀𝐑 𝐖 𝐓𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐃𝐒𝐂, Acting Regional Director, ang Medalya ng Karangalan sa Paglilingkod kay SFO4 Frederick P Mojado (Ret) bilang bahagi ng kanyang pagreretiro matapos ang 27 taong paglilingkod sa ahensya.⁣⁣
⁣⁣
Ang paggawad ng parangal ay isinagawa nitong Agosto 3, 2026 sa Cinco Niñas, City of Koronadal. ⁣⁣
⁣⁣
Sa loob ng kanyang 27 taong panunungkulan, naging huwaran si SFO4 Mojado ng dedikasyon, propesyonalismo, at katapatan sa serbisyo publiko. Ang kanyang walang pag-iimbot na paglilingkod ay nagbigay ng mahalagang kontribusyon sa pagpapalakas ng mga programa at operasyon ng BFP, gayundin sa pangangalaga sa buhay at ari-arian ng mamamayan.

𝐁𝐅𝐏 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍 𝟏𝟐 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐎𝐀𝐓𝐇 𝐓𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐓 𝐏𝐈𝐍𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐑𝐀𝐍𝐊𝐒 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝟔𝟐 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐀-𝐏𝐑𝐎𝐌𝐎𝐓𝐄 𝐍𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐍𝐎𝐍-𝐂𝐎𝐌𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍𝐄𝐃...
03/08/2026

𝐁𝐅𝐏 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍 𝟏𝟐 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐎𝐀𝐓𝐇 𝐓𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐓 𝐏𝐈𝐍𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐑𝐀𝐍𝐊𝐒 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝟔𝟐 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐀-𝐏𝐑𝐎𝐌𝐎𝐓𝐄 𝐍𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐍𝐎𝐍-𝐂𝐎𝐌𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍𝐄𝐃 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄𝐑⁣⁣
⁣⁣
Pormal na kinilala ng Bureau of Fire Protection Region 12 sa pamumuno ni Acting Regional Director, 𝐅𝐒𝐒𝐔𝐏𝐓 𝐄𝐃𝐆𝐀𝐑 𝐖 𝐓𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐃𝐒𝐂, ang tagumpay ng mga tauhan nito sa pamamagitan ng 𝐎𝐚𝐭𝐡 𝐓𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐏𝐢𝐧𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐑𝐚𝐧𝐤𝐬 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 para sa 62 bagong na-promote na mga Non-Commissioned Officers na isinagawa nitong Agosto 3, 2026 sa Cinco Niñas, City of Koronadal. ⁣⁣
⁣⁣
Ang seremonya ay nagsilbing mahalagang yugto sa kanilang propesyonal na karera, na sumisimbolo hindi lamang sa kanilang pag-angat sa ranggo kundi pati na rin sa mas mabigat na pananagutang kanilang gagampanan sa patuloy na paghahatid ng mahusay na serbisyo sa fire protection, emergency response, at kaligtasan ng publiko sa buong SOCCSKSARGEN.⁣⁣
⁣⁣
Pinangunahan ng pamunuan ng BFP Region 12 ang panunumpa sa tungkulin at pagkakabit ng ranggo, sa harap ng mga pamilya, kasamahan, at kapwa kawani na dumalo upang saksihan at ipagdiwang ang mahalagang tagumpay ng mga na-promote.⁣⁣
⁣⁣
Sa kanyang mensahe, binati ni 𝐅𝐒𝐒𝐔𝐏𝐓 𝐓𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐍 ang mga bagong na-promote at binigyang-diin na ang promosyon ay hindi lamang isang karangalan kundi isang mas malaking pananagutan. Hinikayat niya ang mga ito na patuloy na isabuhay ang integridad, disiplina, propesyonalismo, at dedikasyon sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin, at paalalang ang bawat ranggo ay kaakibat ng mas mataas na antas ng pamumuno at paglilingkod sa bayan.⁣⁣
⁣⁣
Nagtapos ang seremonya sa isang panibagong panata ng mga bagong na-promote na patuloy na isulong ang misyon ng Bureau of Fire Protection sa pangangalaga ng buhay, pagprotekta sa mga ari-arian, at pagpapatatag ng kahandaan at katatagan ng mga komunidad sa buong Rehiyon 12.

Address

Brgy. Carpenter Hill
Koronadal
9506

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bureau of Fire Protection - Region XII posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share