10/10/2026
DSWD XII, PLAB, itinampok ang pag-aani ng apat na sako ng carrots sa Tupi
Tupi, South Cotabato – Sa pamamagitan ng Project LAWA at BINHI, patuloy na sinusuportahan ng Department of Social Welfare and Development Field Office XII (DSWD XII), kasama ang RRP South Cotabato Team, ang mga benepisyaryo ng Project LAWA at BINHI. Kamakailan, nakapag-ani ng apat na sako ng carrots ang Manpower Agri-Fisheries Association sa Site B sa Sitio Matukalon, Barangay Linan, Tupi, South Cotabato.
Sa kabila ng matarik at masukal na daan patungo sa taniman, patuloy na inaalagaan ng mga benepisyaryo ang kanilang mga pananim, kabilang ang carrots at radish. Gumagamit sila ng kabayo upang maihatid ang mga ani sa kanilang bahay bago linisin at dalhin sa barangay upang ibenta.
Sa tulong ng Project LAWA at BINHI, nagiging dagdag na pagkakakitaan ng mga pamilya ang kanilang mga ani, habang napalalakas ang produksyon ng pagkain at pagsusulong ng mas matatag na kabuhayan sa komunidad.
🌱