27/05/2026
πππ πππ©π¨π¬ ππ§π π¦π π ππ‘π’π₯π πππ―ππ₯π¨π©π¦ππ§π ππ¨π«π€ππ«π¬ π¬π ππππ ππππ πππ«π―π’πππ¬ ππ πππ ππ«ππ’π§π’π§π
Matagumpay na nagtapos ang mga Child Development Workers mula sa ibaβt ibang bayan ng South Cotabato sa Training for Work Scholarship Program (TWSP) on Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC III, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kalidad ng serbisyong pangkabataan at early childhood education sa lalawigan. Kinilala sa ginanap na graduation ceremony ang kanilang dedikasyon at pagsisikap na mapalawak ang kanilang kaalaman, kakayahan, at kasanayan sa pagbibigay ng mas maayos, ligtas, at makabuluhang pangangalaga para sa mga bata sa kanilang mga komunidad.
Ipinapakita ng programang ito ang patuloy na suporta at layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato na mapaunlad ang kakayahan ng mga Child Development Workers sa pamamagitan ng ibaβt ibang capacity-building at professional development initiatives. Inaasahang mas lalo pang mapapalakas ng mga nagtapos ang pagsusulong ng child-friendly at developmentally responsive learning environments para sa mas maayos na paglaki at kinabukasan ng bawat batang South CotabateΓ±o.