17/07/2026
ππ’πππππ‘π ππ‘π π ππ‘π§π’π₯ππ‘π π§π’πͺππ₯ππ¦ π£ππ¦ πππ₯π§ππππππ§ππ’π‘: π£πππππππ‘ππ π¦π ππππ’π‘π ππ₯π¨π£π’ π‘π π¦π¨ππ§ππ‘ ππ¨πππ₯ππ§ |
Isang mahalagang hakbang ang muling naisakatuparan sa pagsusulong ng organikong agrikultura sa Sultan Kudarat sa pamamagitan ng isinagawang Coaching and Mentoring Towards Organic Certification ng Department of Agriculture β Regional Field Office XII, Organic Agriculture Program para sa Sustainable Industry for Competent and Advance Farming (SIKAF) Group, na binubuo ng mga magsasaka mula sa mga bayan ng Esperanza, Bagumbayan, at President Quirino, na isinagawa mula Hulyo 14β17, 2026.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa Provincial Local Government Unit (PLGU) ng Sultan Kudarat at sa mga Local Government Units (LGUs) ng Esperanza, Bagumbayan, at President Quirino, na nagpapakita ng matibay na ugnayan ng pambansa at lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng ligtas, de-kalidad, at napapanatiling produksyon ng organikong pagkain.
Sa isinagawang coaching at mentoring, masusing tinalakay ang mga natukoy na findings mula sa isinagawang Pre-Assessment ng bawat miyembro ng grupo. Inilahad din ang mga kaukulang rekomendasyon at corrective actions upang matugunan ang mga naitalang kakulangan at matiyak ang pagsunod sa mga pamantayan ng Philippine National Standards (PNS) for Organic Agriculture.
Bukod dito, binigyang-diin ang step-by-step na proseso ng pag-aaplay para sa Participatory Guarantee System β Organic Certifying Body (PGS-OCB) certification, kabilang ang mga kinakailangang dokumento at farm records, upang maging handa ang grupo sa pormal na certification process.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, higit pang napalalim ang kaalaman at kahandaan ng mga magsasaka sa tamang pagpapatupad ng organikong pamantayan at sa kanilang layuning maging isa sa mga kinikilalang PGS-OCB sa Lalawigan ng Sultan Kudarat. Ang sertipikasyong ito ay hindi lamang magbibigay ng kredibilidad sa kanilang mga organikong produkto kundi magbubukas din ng mas maraming oportunidad sa merkado at magpapalakas sa kanilang samahan bilang mga tagapagtaguyod ng organikong agrikultura.
Sama-sama nating isulong ang organikong pagsasaka sa probinsya ng Sultan KudaratπΎπ