LTO SOX

LTO SOX The Official page of Land Transportation Office Region XII (SOCCSKSARGEN)

LTO, NAGHATID NG TULONG SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA SARANGANI SA PAMAMAGITAN NG 'OPLAN TABANG MINDANAO'Matagumpay na isi...
25/06/2026

LTO, NAGHATID NG TULONG SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA
SARANGANI SA PAMAMAGITAN NG 'OPLAN TABANG MINDANAO'

Matagumpay na isinagawa ng Land Transportation Office (LTO) ang "Oplan Tabang Mindanao," isang magkasamang misyon para sa relief operations na naglalayong tulungan ang mga pamilya at indibidual na apektado ng nakaraang 7.8 magnitude na lindol sa mga munisipalidad ng Malapatan, Glan, at Maasim sa lalawigan ng Sarangani.

Pinangunahan nina LTO Assistant Secretary Markus V. Lacanilao at LTO Region XII Regional Director Melharrieh C. Tomawis ang nasabing operasyon, na dinaluhan at nilahukan ng mga opisyal at empleyado mula sa LTO Central Office at LTO Region XII. Sa pagtutulungan ng bawat yunit, mas mabilis na naipamahagi ang mga relief food packs sa mga residenteng labis na nangangailangan ng tulong at ayuda sa mga nasabing lugar.

Binigyang-diin sa isinagawang relief operations na ang mga ipinamahaging food packs ay nagmula pa mismo sa LTO Central Office, kung saan personal na nagbayanihan at nag repacked ang mga kawani nito upang matiyak na makakarating ang tulong sa mga kababayan sa Mindanao. Ang proyektong ito ay nagpapakita ng pagkakaisa, dedikasyon, at kahandaan ng buong pamilya ng LTO na maglingkod sa komunidad sa panahon ng kalamidad.

###

DOTr-LTO Oplan Balik Eskwela 2026Kaayusan sa kalsada, hatid ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transporta...
10/06/2026

DOTr-LTO Oplan Balik Eskwela 2026

Kaayusan sa kalsada, hatid ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Office (LTO XII) ngayong
!

Isang ligtas at maayos na pagbabalik-eskwela para sa mga mag-aaral, g**o, at magulang ang ating hangad. Mag-ingat sa biyahe at sumunod sa batas trapiko!

LTO 12, Nagsagawa ng Road Safety Campaign 2026; Driver’s Education, Isinusulong para sa mas ligtas sa Kalsada sa SOCCSKS...
10/06/2026

LTO 12, Nagsagawa ng Road Safety Campaign 2026; Driver’s Education, Isinusulong para sa mas ligtas sa Kalsada sa SOCCSKSARGEN

KORONADAL CITY- Masigasig na ipinagdiwang ng Land Transportation Office (LTO) Region 12 ang Road Safety Advocacy Month ngayong Mayo 2026 na may temang, “Sama-sama Patungo sa Mas Ligtas na Kalsada.” Sa ilalim ng pamumuno ni LTO 12 Regional Director Melharrieh C. Tomawis, naging sentro sa buong aktibidad ang pagpapalawak ng edukasyon sa pagmamaneho at pagpapatibay ng disiplina sa daan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat motorista at pedestrian sa buong rehiyon.

Sa layuning itaas ang kalidad ng kamalayan sa kalsada, isinagawa ng LTO XII ang serye ng Road Safety and Defensive Driving Seminars na dinaluhan ng mga drayber at empleyado mula sa Yellow Bus Line, Metro Fleet Transport and Logistics Services, mga Safety Officer ng DOLE Philippines, at UTODCO Transport Cooperative ng Koronadal. Bukod dito, naghandog din ang LTO 12 ng Free Theoretical Driving Course (TDC) para sa mga nagnanais na matuto sa batas trapiko upang makakuha ng Student-Driver’s Permit o SP, kasabay ng pagpapatupad ng Law Enforcement Refresher Course para sa mga Regional Law Enforcement Officers nito upang mas mapahusay pa ang pagpapatupad ng batas-trapiko sa kalsada.

Binigyang-diin ni Regional Director Tomawis na ang komprehensibong edukasyon sa pagmamaneho ang pinakamatibay na pundasyon ng kaligtasan sa kalsada. Ayon sa pamunuan, hindi lamang isang pribilehiyo ang pagkakaroon ng lisensya kundi isang malaking responsibilidad; kung kaya't ang sapat na kaalaman sa tamang asal at defensive driving ang susi upang maiwasan ang mga road crash incidents at maprotektahan ang buhay at pag-aari ng bawat mamamayan sa mga lansangan ng SOCCSKSARGEN Region.

The latest episode of Performing and Informing is out now!Land Transportation Office Region XII Regional Director Melhar...
02/06/2026

The latest episode of Performing and Informing is out now!
Land Transportation Office Region XII Regional Director Melharrieh Tomawis talks about road safety, free Theoretical Driving Courses, mobile outreach programs, and updates on the extension of license and vehicle registration validity amid the national energy emergency.
Watch or listen on Facebook, YouTube, and Spotify via PIA Region XII.

🔗 Check the comment section for the full episode.

Abangan bukas, June 2, 2026 (Martes), sa ganap na 7:30 AM, ang isang makabuluhang talakayan para sa Road Safety and Ease...
01/06/2026

Abangan bukas, June 2, 2026 (Martes), sa ganap na 7:30 AM, ang isang makabuluhang talakayan para sa Road Safety and Ease of Doing Business Month 2026!

Kasama sina RD Melharrieh C. Tomawis, JD., Ph.D. Regional Director, LTO XII at Mr. Oliver Ross V. Rivera, Information Officer III, PIA XII upang ibahagi ang mga pinakabagong programa ng LTO XII para sa mas ligtas na kalsada at mas mabilis na serbisyo publiko.

Panoorin ang aming LIVE broadcast sa opisyal na page ng Philippine Information Agency (PIA XII). Huwag palampasin!

LTO Region XII, Matagumpay na Nagdaos ng Road Safety Month 2026; Disiplina at Kaligtasan sa Kalsada, Muling IsinulongKOR...
01/06/2026

LTO Region XII, Matagumpay na Nagdaos ng Road Safety Month 2026; Disiplina at Kaligtasan sa Kalsada, Muling Isinulong

KORONADAL CITY-Matagumpay na nairaos ng Land Transportation Office (LTO) Region XII ang pagdiriwang ng Road Safety Month na may temang “Sama-sama patungo sa mas Ligtas na Kalasada” noong Mayo 25 hanggang 28, 2026 sa ilalim ng dedikado at aktibong pamumuno ni Regional Director Melharrieh C. Tomawis, JD., Ph.D., kasama ang buong LTO XII Management, naging sentro ng adbokasiya ang pagpapalaganap ng kaalaman at disiplina sa kalsada upang masig**o ang kaligtasan ng bawat mamamayang SOCCSKSARGEN.

Nagsimula ang apat na araw na selebrasyon sa isang masiglang Kick-Off Motorcade na naging hudyat ng pagkakaisa ng komunidad para sa mas ligtas na trapiko. Sinundan ito ng makulay at impormatibong Road Safety Fair kung saan ibinahagi ang iba't ibang mahahalagang paalala sa mga motorista. Hindi rin nawala ang edukasyon bilang pundasyon ng kaligtasan sa pamamagitan ng Road Safety and Defensive Driving Seminar, maging ang pagbibigay ng Free Theoretical Driving Course para sa mga nagnanais na matuto ng tamang batas trapiko nang walang ginagastos. Nagkaroon din ng Refresher Course ang mga masisigasig na Law Enforcer ng LTO XII.

Naging susi din sa tagumpay ng malawakang programang ito ang pagtutulungan ng iba’t ibang sector sa rehiyon. Nakiisa sa panawagan ng LTO XII ang mga National Line Agencies, mga Transport Cooperatives, pati na rin ang mga LTO Accredited Driving Schools at Medical Clinics. Nagpakita rin ng buong suporta ang mga LTO Accredited Motorcycle at Motor Vehicle Dealers na nagpapatunay lamang na ang kaligtasan sa kalsada ay pananagutan ng lahat. Sa pagtatapos ng aktibidad, muling pinatunayan ng LTO Region XII na sa pamamagitan ng tamang edukasyon, disiplina, at pagtutulungan, mas ligtas ang bawat biyahe ng pamilyang Pilipino.

29/05/2026

ROAD SAFETY MONTH 2026 - MOTORCADE

Opisyal na binuksan ang Road Safety Month Celebration 2026 sa pamamagitan ng naging matagumpay na motorcade na naglayong itaguyod ang mas ligtas na kalsada para sa bawat road user. Ang taunang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Land Transportation Office (LTO) Region XII sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director Melharrieh C. Tomawis kasama ang buong LTO Top Management. Sa pagkakaisa ng iba't ibang sektor, ipinamalas ng rehiyon ang tunay na diwa ng bayanihan upang masig**o ang kaayusan sa mga lansangan.

Naging posible ang tagumpay na ito sa pakikibahagi ng mga National Line Agencies, LTO Accredited Motor Vehicle at Motorcycle Dealers, mga driving schools, at iba't ibang Transport Cooperatives na nagpakita ng kanilang buong suporta sa adbokasiya. Lubos ding ipinaabot ang pasasalamat ng LTO Region XII sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 12 sa kanilang mahalagang tulong sa video coverage ng buong motorcade.

Sa paggabay ng temang "Sama-sama Patungo sa Mas Ligtas na Kalsada," muli nating napatunayan na ang kaligtasan sa daan ay hindi lang responsibilidad ng iisa—ito ay misyon nating lahat. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at patuloy na nakipagtulungan para sa mas ligtas na biyahe ng bawat Pilipino!

ROAD SAFETY MONTH 2026Thank you, City Government of Koronadal - City Information Office!
29/05/2026

ROAD SAFETY MONTH 2026

Thank you, City Government of Koronadal - City Information Office!

Address

Purok Yellow Bell, Brgy. Sta. Cruz
Koronadal
9506

Opening Hours

Monday 8am - 5:30pm
Tuesday 8am - 5:30pm
Wednesday 8am - 5:30pm
Thursday 8am - 5:30pm
Friday 8am - 5:30pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO SOX posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share