22/09/2025
Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 60, s. 1992, ang huling linggo ng Setyembre ay itinakda bilang National Family Week.
Buong suporta ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa makabuluhang pagdiriwang ng linggong ito.
Kinikilala ng ARTA na ang pamilya ay isa sa mahalagang pundasyon ng lipunan. Sa pamamagitan ng mahusay at makataong serbisyo publiko, layunin ng ARTA na tumulong sa pagpapatatag ng bawat pamilyang Pilipino tungo sa isang mas matibay at maunlad na bansa.