20/01/2026
January 20, 2026| Training/Seminar on Rodent Management 🐀🌾
Matagumpay na naisagawa ang pagsasanay sa Rodent Management na dinaluhan ng tatlumput-isang (31) magsasaka mula sa Bayan ng La Paz ngayong araw.
Bago ang aktwal na pagsasanay, isinagawa ang monitoring sa mga lugar na napinsala ng daga upang matukoy ang lawak nito at magsilbing batayan sa pagpapatupad ng angkop at epektibong pamamaraan ng pamamahala sa daga.
Ang aktibidad ay pinarangalan ng mga mensahe mula kina Provincial Agriculturist Noel Regis, Municipal Agriculture Office Head Peter Cruz Jr., at SB Committee on Agriculture Chairperson Hon. Nol Sangil, na kapwa nagbigay-diin sa kahalagahan ng maagap, wasto, at responsableng pagkontrol ng peste upang maprotektahan ang ani at kabuhayan ng mga magsasaka.
Ang pagsasanay ay pinangunahan nina Madam Marieta DL. Agregado, RCPC Center Director, at sir Ever Aquino, SRS II. Tinalakay at isinagawa sa aktibidad ang mga sumusunod:
• Pagmomonitor at tamang pagkilala sa mga daga
• Wastong pamamaraan ng pre-baiting
• Ligtas at tamang paggamit ng lason sa daga
• Aktwal na demonstrasyon at aplikasyon ng lason at
• Pamimigay ng lason sa daga
Layunin ng gawaing ito na mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka sa epektibo at responsableng pamamahala ng rodent infestation, upang maprotektahan ang mga pananim at mapataas ang produksyon sa sektor ng agrikultura.
Lubos ang pasasalamat sa lahat ng magsasakang lumahok at aktibong nakibahagi sa nasabing gawain✌️