14/06/2026
RMFB15 Pinagpapatibay ang Ugnayan sa Media Sectors
Bilang pagkilala sa mahalagang papel ng media sa pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon sa publiko, nagsagawa ang mga tauhan ng RMFB15 (PNP TSC, Rmfb15), sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL JOEY JONATHAN B BAGAYAO, AFC, ng dayalogo at pakikipag-ugnayan kay Mr. Jimmy ‘Lolo Doro’ Lozano, anchor ng 98.7 Z Radio, ngayong Hunyo 14, 2026 sa University of Baguio.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan, komunikasyon, at kooperasyon sa pagitan ng RMFB15 at mga media partner upang mas mapahusay ang paghahatid ng tumpak at napapanahong impormasyon sa publiko.
Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa media, pinagtitibay ng RMFB15 ang kanilang pangako sa transparency, pakikipagtulungan, at serbisyong nakatuon sa komunidad.
(Edited and Posted by: PSSg Simeon, N.L)