13/05/2025
Maraming Salamat po sa inyong lahat!
Ngayon na tapos na ang kampanya at nailabas na ang mga resulta, nais kong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat sa bawat isa na naging bahagi ng ating laban.
Kay Manong George 1dol Punasen, maraming salamat po sa inyong tiwala at buong suporta upang makasama ako sa inyong lineup.
Sa Punasen Sisters, and Mam Berna! salamat po sa inyong 100% dedikasyon at sipag upang maayos na maipamahagi at maorganisa ang lahat ng bagay.
Sa Team Punasen: Manong Silvestre Aben, Manong Garcia Tabdi, Manong Amodo, Mommy Rose Noemi Tabao-ican Co, at Alvin Tereng Morales-atm, maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtulong at sa pagtutok sa bawat detalye.
Sa aking pamilya: Manang Margaret at Manang Rosemarie, salamat po sa paglakad ng house-to-house kahit na medyo senior na tayo, kaya pa rin maglakad buong araw! Manang Arlene, Manang Susan, at Manong Ronald, salamat po sa tahimik na kampanya at sa pag-endorso sa akin sa inyong mga kaibigan at kamag-anak.
Sa aking Mama, salamat po sa pagiging matigas ang ulo, kahit na sinasabi kong kalmahin mo lang, ikaw pa rin ang nagpo-post ng mga posts! Haha.
Sa aking support team mula sa Itogon, Mommy Santa Mamangon maraming salamat po sa inyong sakripisyo at oras upang matulungan akong makipag-ugnayan sa mga kamag-anak at kaibigan dito sa La Trinidad.
Sa aming mga donors: Sir Allen mula sa Catalyst, salamat po sa napakaraming eco-friendly at recyclable na tarpaulin. Mommy Valenzuela, salamat po sa inyong donasyon, ang jacket ay ihahatid ko na po! Mam Ollero mula sa La Union, salamat po sa inyong donasyon ng mga T-shirt na ang kalidad ay napakaganda.
Sa aking social media team na nag iisa, kay Ian P., salamat sa iyong walang sawang suporta at sa pagiging all-around na tulong sa lahat ng aspeto ng kampanya.
Sa aking CAMP team, Manong Dean Michael Cuanso at Manong Gary Paul Lumbag Abela maraming salamat po sa inyong pagkakaibigan at sa pagtulong upang maging matagumpay ang ating kampanya.
Sa aking Uncle Washington Paran na nagdrive at nag ikot sa aking Caravan maraming maraming salamat po sainyo.
Sa inyong lahat, maraming maraming salamat po. Hindi ko po makakamtan ang tagumpay na ito nang mag-isa, kayo po ang aking lakas at inspirasyon.
Mabuhay po kayo! Paran Tayo!