05/10/2026
๐๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ ๐๐๐๐ฎ๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ก๐ฆ๐๐ง๐ญ | ๐๐๐ฅ๐ฅ ๐๐จ๐ซ ๐ฏ๐จ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ญ๐๐๐ซ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐
Mainit na pagbati sa ating lahat!
Ang SK Labac ay lumalapit sa ating mga kapwa Labacqueรฑos upang humingi ng suporta para sa ating nalalapit na pag-aayos at pagpapaganda ng ating covered court.
Ang proyektong ito ay nais nating maisakatuparan para sa kapakanan at pakinabang ng ating buong komunidad. Naniniwala kami na sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa, maisasakatuparan natin ito.
Sa ngayon, hindi pa ganap na naihahanda ang budget para sa proyekto. Kaya naman, si ๐ฆ๐ ๐๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป ๐๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฒ muna ang sasagot sa mga kinakailangang gastusin upang masimulan ang mga kailangang gawin. Gayunpaman, mapagkumbaba pa rin naming hinihiling ang inyong suporta sa pamamagitan ng donasyon, materyales, at higit sa lahat, oras, lakas, at manpower mula sa mga boluntaryong nais tumulong.
Nais naming ipaalala na hindi kailangang pera ang inyong maibigay upang maging bahagi ng proyektong ito. Kung kayo ay may kasanayan, kagamitan, materyales, oras, o simpleng kagustuhang tumulong, malaking bagay na po iyon para sa amin.
Bawat tulong, maliit man o malaki, ay mahalaga. Sama-sama nating ayusin at pagandahin ang ating covered court para sa ating mga kabataan at sa buong komunidad ng Labac.
Maraming salamat sa inyong suporta, malasakit, at pakikiisa. Sama-sama, para sa Labac! ๐