BJMP LABO District Jail

BJMP LABO District Jail Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BJMP LABO District Jail, Government Organization, Brgy Masalong, Labo.

09/08/2026

Labo District Jail, nakiisa sa Pre-Anniversary Fun Run ng 902nd Infantry (Fight and Serve) Brigade. ๐Ÿƒ๐Ÿƒ

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ  ๐‹๐€๐๐Ž ๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐‚๐“ ๐‰๐€๐ˆ๐‹, ๐๐€๐Š๐ˆ๐ˆ๐’๐€ ๐’๐€ ๐๐‘๐„-๐€๐๐๐ˆ๐•๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜ ๐…๐”๐ ๐‘๐”๐Nakiisa ang ๐‹๐š๐›๐จ ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ญ ๐‰๐š๐ข๐ฅ, sa pangunguna ni ๐‰๐‚๐ˆ๐๐’๐ ๐‹๐Ž๐”๐ˆ๐„ ...
08/08/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ๐‹๐€๐๐Ž ๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐‚๐“ ๐‰๐€๐ˆ๐‹, ๐๐€๐Š๐ˆ๐ˆ๐’๐€ ๐’๐€ ๐๐‘๐„-๐€๐๐๐ˆ๐•๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜ ๐…๐”๐ ๐‘๐”๐

Nakiisa ang ๐‹๐š๐›๐จ ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ญ ๐‰๐š๐ข๐ฅ, sa pangunguna ni ๐‰๐‚๐ˆ๐๐’๐ ๐‹๐Ž๐”๐ˆ๐„ ๐€๐๐†๐„๐‹๐Ž ๐‚ ๐”๐๐†๐‘๐ˆ๐€, ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ญ ๐‰๐š๐ข๐ฅ ๐–๐š๐ซ๐๐ž๐ง, kasama ang mga tauhan nito, sa ๐‘ท๐’“๐’†-๐‘จ๐’๐’๐’Š๐’—๐’†๐’“๐’”๐’‚๐’“๐’š ๐‘ญ๐’–๐’ ๐‘น๐’–๐’ ๐’๐’ˆ 902๐’๐’… ๐‘ฐ๐’๐’‡๐’‚๐’๐’•๐’“๐’š (๐‘ญ๐’Š๐’ˆ๐’‰๐’• ๐’‚๐’๐’… ๐‘บ๐’†๐’“๐’—๐’†) ๐‘ฉ๐’“๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’…๐’†, ๐‘ท๐’‰๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’‘๐’Š๐’๐’† ๐‘จ๐’“๐’Ž๐’š ngayong ๐˜ผ๐™œ๐™ค๐™จ๐™ฉ๐™ค 8, 2026 sa ๐‘ช๐’‚๐’Ž๐’‘ ๐‘ฉ๐’–๐’”๐’Š๐’ˆ-๐’๐’, ๐‘ฉ๐’“๐’ˆ๐’š. ๐‘ป๐’–๐’๐’‚๐’š ๐’๐’‚ ๐‘ณ๐’–๐’‘๐’‚, ๐‘ณ๐’‚๐’ƒ๐’, ๐‘ช๐’‚๐’Ž๐’‚๐’“๐’Š๐’๐’†๐’” ๐‘ต๐’๐’“๐’•๐’†.

Dumalo at nakilahok din ang iba't ibang ahensya at katuwang na organisasyon, na naglalayong itaguyod ang kalusugan, pagkakaisa, pakikipagkaibigan, at mas matibay na ugnayan ng mga ahensya para sa kapayapaan at kaligtasan ng pamayanan. ๐Ÿค๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Patuloy na sinusuportahan ng Labo District Jail ang mga gawaing nagpapalakas ng pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa isang ligtas at mapayapang pamayanan.






๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ
#๐‘ช๐’‰๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’๐’ˆ๐‘ณ๐’Š๐’—๐’†๐’”๐‘ฉ๐’–๐’Š๐’๐’…๐’Š๐’๐’ˆ๐‘จ๐‘บ๐’‚๐’‡๐’†๐’“๐‘ต๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’

04/08/2026

๐Ÿญ๐Ÿณ๐Ÿฐ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป,
๐—ฏ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ

Nagsagawa ng feeding program ang 17th Infantry Battalion kasama ang KAPPIA, LGU, at paaralan para sa 174 na mag-aaral sa Barangay Carupian, Baggao, Cagayan.

Papalakasin nito ang ugnayan ng mga sektor at itaguyod ang kapakanan ng kabataan tungo sa mapayapang pamayanan.





https://www.facebook.com/share/p/1EK58NZMng/

04/08/2026

๐—”๐—™๐—ฃ: ๐Ÿด๐Ÿฏ๐Ÿญ ๐—ก๐—ฃ๐—” ๐—ฎ๐˜ ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ,
๐—ป๐—ฎ-๐—ป๐—ฒ๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜‡๐—ฒ ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป

Iniulat ng AFP na 831 miyembro ng NPA at mga tagasuporta nito ang na-neutralize mula Enero 1 hanggang Hulyo 23.

Ayon sa datos, 736 ang sumuko, 34 ang naaresto, at 61 ang nasawi sa operasyong layuning mapanatili ang kapayapaan.

May kabuuang 588 na baril at 244 na anti-personnel mine ang narekober at nasamsam, at 30 kampo ang nasamsam.





https://www.pna.gov.ph/articles/1280542

๐Ÿ‘ฎโ€โ™€๏ธ๐Ÿ”ฅ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐’๐€๐…๐„๐“๐˜ ๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐€๐Œ๐๐€๐’๐’๐€๐ƒ๐Ž๐‘ ๐–๐Ž๐‘๐Š๐’๐‡๐Ž๐ ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธOn August 3, 2026, personnel of Labo District Jail, together with par...
04/08/2026

๐Ÿ‘ฎโ€โ™€๏ธ๐Ÿ”ฅ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐’๐€๐…๐„๐“๐˜ ๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐€๐Œ๐๐€๐’๐’๐€๐ƒ๐Ž๐‘ ๐–๐Ž๐‘๐Š๐’๐‡๐Ž๐ ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธ

On August 3, 2026, personnel of Labo District Jail, together with partner agencies from the PNP and BFP, conducted a Public Safety Youth Ambassador Workshop at Talobatib National High School, Labo, Camarines Norte.

The activity engaged Grade 10 students through an information and education campaign aimed at promoting public safety awareness, understanding of agency mandates, and stronger community involvement.

Together, letโ€™s empower the youth to become responsible partners in building a safer and more informed community. ๐Ÿ’™






04/08/2026

DOH: Sundin ang Tatlong Simpleng Hakbang para Maprotektahan ang Sarili at Pamilya Laban sa Hepatitis

Ang Hepatitis ay maaaring maiwasan at makontrol sa pamamagitan ng tamang pag-iwas, maagang pagpapasuri, at tamang gamutan. Sundin ang tatlong simpleng hakbang upang maprotektahan ang iyong sarili at pamilya:

Magpabakuna laban sa Hepatitis B.
Magpasuri para sa Hepatitis B, lalo na kung ikaw ay buntis bilang bahagi ng antenatal check-up.
Magpagamot at magpatingin nang regular kung ikaw ay may chronic Hepatitis B.

Bumisita sa pinakamalapit na health center para sa pagsusuri, pagbabakuna, at tamang gamutan.





โ€™sBreakItDown

04/08/2026
03/08/2026

๐๐‰๐Œ๐ ๐‹๐€๐๐Ž ๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐‚๐“ ๐‰๐€๐ˆ๐‹, ๐ˆ๐“๐ˆ๐๐€๐๐†๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐„๐’๐“ ๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐‚๐“ ๐‰๐€๐ˆ๐‹ ๐’๐€ ๐๐ˆ๐‚๐Ž๐‹, ๐๐€๐๐†๐”๐๐€ ๐‘๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ๐๐ˆ๐ƒ๐–๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹!

Muling ipinamalas ng BJMP Labo District Jail ang kahusayan sa pamamahala at paghahatid ng makataong serbisyo matapos itong tanghaling Best District Jail sa buong Bicol Region sa isinagawang BJMP Regional Office V Best Awards para sa ikalawang kwarter ng Calendar Year 2026.

Hindi lamang ang pasilidad ang pinarangalan, kundi maging ang mga opisyal nito. Itinanghal si Jail Chief Inspector Louie Angelo C. Ungria bilang Top 1 Best District Jail Warden sa Region V, habang kinilala si Jail Officer 3 Mark Joran I. Talento bilang Best Escorting Officer at si Jail Officer 1 Harbie S. Lopez bilang Best Human Rights Action Officer. Ang mga pagkilalang ito ay patunay ng kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng seguridad, disiplina, at paggalang sa karapatang pantao ng mga persons deprived of liberty (PDLs).

Dagdag pa sa tagumpay ng lalawigan, kinilala rin ang Camarines Norte Provincial Jail Administrator's Office bilang Best Provincial Jail Administrator's Office sa Region V, habang si Jail Senior Inspector Alexander D. Avecilla ay itinanghal na Top 1 Best Provincial Jail Administrator. Nakuha rin ng Daet District Jail ang Top 2 Best District Jail, at ng Daet District Jail Annex ang Top 4 Best District Jail.

Ayon sa BJMP Regional Office V, ang mga parangal ay ibinibigay bilang pagkilala sa natatanging pamumuno, mahusay na pamamahala, at tapat na pagpapatupad ng mga programa sa rehabilitasyon, seguridad, at pangangalaga sa karapatang pantao. Ang tagumpay ng BJMP Labo District Jail ay sumasalamin sa patuloy nitong pagsisikap na maging huwaran ng mahusay, propesyonal, at makataong serbisyo sa loob ng mga pasilidad ng BJMP sa rehiyon.

โœ๏ธ | ๐‘๐๐Ÿ“๐ŸŽ- ๐ƒ๐ž๐ฌ๐ข๐ซ๐ž๐ž ๐๐š๐ ๐ž๐ซ๐š
๐Ÿ“ธ | ๐๐‰๐Œ๐ ๐‹๐š๐›๐จ ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ญ ๐‰๐š๐ข๐ฅ

03/08/2026

๐— ๐—”๐—ฅ๐—”๐— ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—จ๐—ก๐—š๐—ž๐—œ๐—ง ๐—ก๐—š ๐—–๐—”๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ ๐—ก๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—˜ ๐—•๐—๐— ๐—ฃ ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—ช๐—”๐—ฅ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

DWCN-FM, Radyo Pilipinas, Camarines Norte โ€“ Muling pinatunayan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camarines Norte ang kahusayan nito sa pamamahala at pagbibigay ng dekalidad na serbisyo matapos makasungkit ng ibaโ€™t ibang prestihiyosong pagkilala sa BJMP Regional Office 5's Best Awards para sa ikalawang kwarter ng Calendar Year 2026.

Kinilala ang Camarines Norte Provincial Jail Administrator's Office (PJAO) bilang Best Provincial Jail Administrator's Office sa buong Bicol Region. Samantala, itinanghal namang Best District Jail ang Labo District Jail, habang nakamit ng Daet District Jail ang Top 2 District Jail at ng Daet District Jail Annex ang Top 4 District Jail.

Sa kategorya ng mga indibidwal na parangal, kinilala si Jail Senior Inspector Alexander D. Avecilla bilang Top 1 Best Provincial Jail Administrator sa Region V.

Nagwagi rin ang mga Jail Warden ng Camarines Norte, kung saan, tinanghal na Top 1 Best District Jail Warden si Jail Chief Inspector Louie Angelo C. Ungria ng Labo District Jail. Nakuha naman ni Jail Senior Inspector Cosme R. Quinol Jr. ng Daet District Jail Annex ang Top 2 Best District Jail Warden, habang Top 3 Best District Jail Warden si Jail Senior Inspector Desman C. Onsat ng Daet District Jail.

Sa Gawad Penolohiya, kinilala si Senior Jail Officer 1 Melanie A. Montuya ng Daet District Jail bilang Best TC Implementer. Itinanghal namang Best Escorting Officer si Jail Officer 3 Mark Joran I. Talento ng Labo District Jail, habang si Jail Officer 1 Harbie S. Lopez ng Labo District Jail ay kinilalang Best Human Rights Action Officer.

Ayon sa BJMP Region 5, ang nasabing mga parangal ay bilang pagkilala sa natatanging pamumuno, mahusay na pamamahala, at dedikasyon ng mga opisyal at kawani sa pagpapatupad ng mga programa sa rehabilitasyon, seguridad, at pangangalaga sa karapatang pantao ng mga persons deprived of liberty (PDLs).

Ang sunod-sunod na pagkilalang ito ay patunay sa patuloy na pagsisikap ng BJMP Camarines Norte na maitaguyod ang mahusay, makatao, at propesyonal na serbisyo sa loob ng mga pasilidad ng kulungan sa lalawigan.

โœ๏ธ๐ŸŽจ Ulat ni: Rommel Fenix / Rommel Ibasco Fenix | SERBISYONG DEKALIBRE

Address

Brgy Masalong
Labo
4604

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BJMP LABO District Jail posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share