02/10/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ร๐
Kahit hindi pa man direktang nagsisimula ang Super El Niรฑo, mahalagang maaga nating malaman kung ano ba ito at ano ang mga maaaring maging epekto nito sa atin.
Hindi lamang ito tungkol sa mas mainit na panahon. Ang El Niรฑo ay isang climate phenomenon na maaaring magdulot ng mas kaunting ulan at mas mahabang panahon ng pagkatuyo sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa pinakahuling abiso ng DOST-PAGASA, kasalukuyang aktibo ang Strong El Niรฑo at inaasahang lalakas pa patungo sa Very Strong El Niรฑo o Super El Niรฑo sa mga susunod na buwan, na maaaring magpatuloy hanggang unang bahagi ng 2027.
Sa Camarines Norte, nakikita na rin ang epekto ng mas tuyong kondisyon. Ayon sa PAGASA, kabilang ang lalawigan sa mga lugar sa Bicol na nakaranas ng meteorological drought, na maaaring makaapekto sa suplay ng tubig at agrikultura.
๐๐ก๐ข ๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ก๐๐ฆ๐๐ก?
โขMas mainit na panahon at mas mataas na panganib ng heat-related illnesses.
โขMas malaking pangangailangan sa tubig at posibilidad ng kakulangan sa suplay kapag nagpatuloy ang tuyong kondisyon.
โขEpekto sa agrikultura, lalo na sa mga pananim na nangangailangan ng sapat na tubig.
โขHindi ibig sabihin na wala nang ulan. Maaari pa ring magkaroon ng mga pag-ulan at thunderstorms sa ilang lugar kahit umiiral ang El Niรฑo.
Hindi natin kailangang hintayin na maramdaman ang pinakamalalang epekto bago maghanda.
Kaya habang maaga pa ay inaabisuhan na ang lahat na maging maingat, maging matipid sa tubig, at manatiling updated sa mga opisyal na abiso. Sa panahon ng El Niรฑo, ang simpleng paghahanda ng bawat tahanan ay mahalagang bahagi ng pagharap sa mas malaking hamon.
ใviralใทfypใทใ