16/10/2026
Tree Planting Activity ng mga Cooperatives, NGOโs, at CSOโs ginanap po ngayon ika-16 ng Oktubre 2026 sa Sitio Apoler-Biga, Tobuan, Labrador. ๐ฑ
Pagkatapos ng Coastal Clean-Up sa Laois Beach noong nakaraang Sabado, sinundan agad ng Municipal Cooperative and Development Officer at ating tanggapan ng MENRO-Labrador, Pangasinan ang pag-oorganisa ng Tree Planting Activity ngayong Cooperative Month na inimbitahan ang ibaโt ibang opisina, samahan, at organisasyon sa ating bayan: PNP Labrador, Rotary Club of Labrador, Kagra Agriculture Cooperative, Bumados Arc MPC, Labrador RIC Agriculture and Fisheries Cooperative, ROCK Ministries, Kalangkuasan Timpoyog Agriculture Cooperative, Cebuana Lhuillier, Inter-Labrador Pride, Zumbayan Labrador Dance Fitness Group, LAKAS, at Professionals Group of Labrador.
Ipinapaabot rin ng aming Lokal na Pamahalaan ng Labrador na pinamumunuan ni Mayor Noel N. Uson at Vice Mayor Melchora โSorayโ Arenas-Yaneza ang kanilang pasasalamat sa Pangasinan PPCLDO sa kanilang walang sawang suporta at donasyon ng mga magagandang klase ng punla na itinatanim tuwing Tree Planting Activity sa bayan ng Labrador.
Nawaโy lumaki at lumago ang mga itinanim para sa tuloy-tuloy na progresibong Greening Activities sa ating bayan. Baleg ya Salamat at God Bless us all!