28/08/2026
๐๐๐๐-๐๐๐, ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ค๐๐ฒ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฌ๐ค ๐๐๐๐ข๐๐๐ซ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ซ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐๐ซ๐
Ipinagpatuloy at tinapos noong Agosto 27, 2026 ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang LokalโCordillera (DILG-CAR), sa pamamagitan ng Dibisyon ng Pagpapaunlad ng Kakayahan ng Lokal na Pamahalaan (LGCDD), ang FY 2026 Cordillera CSO Convergence na may temang โEmpowering CSOs, Enhancing CSO Desk Officer Capacities, and Strengthening LGU Partnershipsโ sa Newtown Hotel, Baguio City.
Nakatuon ang ikatlo at huling araw sa capacity development para sa mga CSO Desk Officer, partikular sa pagpapalalim ng kanilang kaalaman sa mga tungkulin, proseso, at pamamaraan na may kaugnayan sa pakikipag-ugnayan sa Civil Society Organizations (CSOs) at Local Peopleโs Councils (LPCs).
Sa pambungad na mensahe, binigyang-diin ni Assistant Regional Director Ruperto B. Maribbay, Jr. ang mahalagang papel ng mga CSO Desk Officer sa pag-uugnay ng mga CSO, LPC, at Lokal na Yunit ng Pamahalaan (LGU), gayundin sa paglikha ng mga kundisyong nagbibigay-daan sa makabuluhang pakikilahok ng civil society sa lokal na pamamahala.
Pinangunahan ni LGOO VI Johnny L. Mauting, Assistant Division Chief ng LGCDD, ang overview ng aktibidad. Sinundan ito ng mga learning session hinggil sa mahahalagang probisyon ng DILG Memorandum Circular No. 2021-054 at sa Enhanced LPC Framework: Strengthening LDC Participation.
Tinalakay naman ang paggabay sa CSOs sa local planning and budgeting, gayundin ang mga paraan ng maayos na pamamahala sa CSO-LGU dynamics. Nagkaroon din ng pagbabahagi ng mga CSO Desk Officer ng kanilang mga karanasan at mabubuting gawain bilang batayan sa pagpapalitan ng mga praktikal na pamamaraan sa kanilang mga LGU.
Sa kanyang pangwakas na mensahe, binigyang-diin ni Assistant Division Chief Johnny L. Mauting, Jr. na ang tungkulin ng CSO Desk Officer ay hindi lamang nakatuon sa pagsasagawa ng mga aktibidad, kundi sa paglikha ng mga kundisyong nagbibigay-daan para sa makabuluhang pakikilahok ng civil society sa lokal na pamamahala. Hinikayat niya ang mga kalahok na gamitin ang mga kaalaman at kasanayang nakuha upang higit na masuportahan ang mga CSO at LPC sa kani-kanilang LGU.
Sa pagtatapos ng tatlong araw na convergence, pinagtibay ng DILG-CAR ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na CSO Desk Officers, aktibong CSOs at LPCs, at bukas na ugnayan sa pagitan ng civil society at lokal na pamahalaan bilang mga mahalagang bahagi ng participatory at responsive local governance.