Lagonoy MPS CSPPO

Lagonoy MPS CSPPO Public Servant

04/03/2026
04/03/2026
04/03/2026

March 4, 2026
Gospel: Matthew 20:17-28
Reflection: “Love-driven public service!”

04/03/2026

PCOL OLALIA, PD CSPPO, ININSPEKSYON ANG MGA DUTY MOTORCYCLE COPS SA BANTAY PATNUBAY MAHARLIKA SA PILI, CAMARINES SUR

Camp Colonel Juan Q. Miranda, Camarines Sur — Ika-3 ng Marso 2026, Ininspeksyon ni PCOL Virgilio O. Olalia Jr., Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), ang mga duty Motorcycle Cops na naka-deploy sa Bantay Patnubay Maharlika, Pili, Camarines Sur bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng police visibility at road safety operations sa lalawigan.

Sa isinagawang inspeksyon, personal na sinuri ni PCOL Olalia ang kahandaan, disiplina, at operational preparedness ng mga naka-duty na tauhan upang matiyak ang maagap na pagtugon sa anumang insidente sa kahabaan ng Maharlika Highway.

Binigyang-diin ng opisyal ang kahalagahan ng dedikasyon, propesyonalismo, at sakripisyo ng mga kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng publiko, kasabay ng paalala na ipagpatuloy ang mas pinaigting na pagbabantay at pagbibigay-serbisyo sa mamamayan.

Patuloy ang panawagan ng CSPPO sa publiko na makipagtulungan sa kapulisan upang mapanatili ang mapayapa at ligtas na Camarines Sur.
PNP Kasurog Bicol
Philippine National Police
Camarines Sur Ppo Pnp
Pili Mps

04/03/2026

PCOL OLALIA, PD CSPPO, ININSPEKSYON ANG MGA DUTY PATROLLERS SA PATNUBAY DAANG BIKOL SA OCAMPO, CAMARINES SUR

Camp Colonel Juan Q. Miranda, Camarines Sur — Ika-3 ng Marso 2026, Ininspeksyon ni PCOL Virgilio O. Olalia Jr., Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), ang mga duty patrollers na naka-deploy sa Patnubay Daang Bikol sa Ocampo, Camarines Sur bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng police visibility at road safety operations sa lalawigan.

Sa isinagawang inspeksyon, personal na sinuri ni PCOL Olalia ang kahandaan, disiplina, at operational preparedness ng mga naka-duty na tauhan upang matiyak ang maagap na pagtugon sa anumang insidente sa pangunahing lansangan ng lugar.

Binigyang-diin ng opisyal ang kahalagahan ng dedikasyon, propesyonalismo, at sakripisyo ng mga kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng publiko, kasabay ng paalala na ipagpatuloy ang mas pinaigting na pagbabantay at pagbibigay-serbisyo sa mamamayan.

Patuloy ang panawagan ng CSPPO sa publiko na makipagtulungan sa kapulisan upang mapanatili ang mapayapa at ligtas na Camarines Sur.

04/03/2026
04/03/2026

📢 EARTHQUAKE AWARENESS

Ang lindol ay hindi natin kayang pigilan, ngunit maaari tayong maging handa upang maiwasan ang kapahamakan. Mahalaga ang kaalaman at tamang paghahanda upang maprotektahan ang sarili, pamilya, at komunidad.

Alamin at isapuso ang mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol. Sa oras ng sakuna, ang pagiging handa ang ating pinakamahusay na proteksyon.

⚠️ Manatiling kalmado, maging alerto, at laging handa.

PNP Kasurog Bicol
Philippine National Police


04/03/2026

⚠️ EARTHQUAKE AWARENESS | DROP, COVER, HOLD ON

Ang lindol ay maaaring mangyari anumang oras kaya mahalagang alam ng bawat isa kung ano ang dapat gawin upang manatiling ligtas. Tandaan ang DROP, COVER, and HOLD ON bilang pangunahing hakbang upang maprotektahan ang sarili kapag may lindol.

PNP Kasurog Bicol
Philippine National Police


04/03/2026

🚨 ALAMIN: BATAS LABAN SA CARNAPPING 🚨

Ang carnapping o pagnanakaw ng sasakyang de-motor ay isang seryosong krimen na may mabigat na parusa sa ilalim ng Republic Act No. 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016. Maaaring humantong sa mahabang taon ng pagkakakulong o habambuhay na pagkabilanggo ang sinumang mapatunayang sangkot sa ganitong krimen.

Patuloy na pinaaalalahanan ang publiko na maging mapagmatyag at agad na i-report sa awtoridad ang anumang kahina-hinalang galaw upang maiwasan ang mga insidente ng carnapping sa ating komunidad.

🤝 Ang kaligtasan ng komunidad ay responsibilidad ng bawat isa.

PNP Kasurog Bicol
Philippine National Police


Address

Zone 2
Lagonoy
4425

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lagonoy MPS CSPPO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share