28/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ โ ๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐
Matagumpay na naisagawa ang ating ChooseDay Tuesday Week 8 na may temang โBoard Games vs Mobile Games.โ
Batay sa naging resulta ng ating poll, nakakuha ng 8 reactions (Like) ang Board Games at 2 reactions (Heart) ang Mobile Games. Dahil dito, nanguna ang Board Games bilang winning poll option.
Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi at nagbahagi ng kanilang opinyon at karanasan.
Matapos suriin ang lahat ng komento, ang napiling may pinaka-makabuluhan, consistent, at may malinaw na karanasan at opinyon ay walang iba kundi:
WINNER: Mark Kian Ursulum Amaro
Winning Entry:
โBoard Gamesโ
Sa dami ng modernong laro ngayon, pipiliin ko pa rin ang board games dahil dito mas ramdam ang tunay na bonding. Iba pa rin yung magkakasama kayo sa iisang mesaโmay tawanan, asaran, at konting bardagulan kapag may nadaya pero lahat nauuwi sa saya.
Sa mobile games kasi, oo mas convenient at kahit saan pwede, pero aminin natinโkahit magkakatabi kayo, kanya-kanya pa rin ng mundo. Tahimik ang paligid kasi lahat naka-focus sa screen. Minsan pa nga mas kinakausap mo pa yung kakampi mong online kaysa sa katabi mo sa personal.
Sa board games, walang โlow battery,โ walang โlag,โ at lalong walang โAFK.โ Ang meron lang ay totoong usapan, totoong tawanan, at minsan totoong tampuhan na agad ding naaayos. Dito, hindi lang laro ang nabubuoโkundi memories na hindi mo basta ma-e-exit o ma-delete.
Para sa akin, ang tunay na saya at bonding ay hindi nasusukat sa graphics o internet speed, kundi sa oras at atensyon na ibinibigay natin sa isaโt isa. Kaya Board Games akoโdahil dito, hindi lang panalo sa laro ang mahalaga, kundi panalo sa samahan.
Inaanyayahan ang ating nanalo na mag-message sa ating page upang ma-claim ang kanyang premyo.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa ating ChooseDay Tuesday. Abangan ang susunod na paksa ngayong Week 9.