17/08/2026
TINGNAN : Matagumpay na Pabasa sa Nutrisyon sa Zone 1
Isang matagumpay at makabuluhang Pabasa sa Nutrisyon ang isinagawa sa Zone 1, Barangay San Antonio ngayong Agosto 17, 2026, bilang bahagi ng programang pangkalusugan at pangnutrisyon ng ating barangay na isinasagawa sa bawat purok. 🍎🥦
Pinangunahan ito ni BNS Realyn C. Siriban, kasama ang kanyang mga kapwa Health Workers, para sa pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa wastong nutrisyon, kalusugan, at pangangalaga sa pamilya.
🎓 Labindalawang (12) participants ang matagumpay na nagtapos sa nasabing aktibidad at tumanggap ng pagkilala sa kanilang pakikilahok.
Nagbigay rin ng mensahe si Punong Barangay Jennifer C. Verbo, na patuloy na nagbibigay-suporta sa mga programang naglalayong mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng bawat pamilya sa ating barangay.
Dumalo rin bilang panauhin si Barangay Kagawad Florante M. Verbo, Committee on Health and Sanitation, kasama sina Barangay Kagawad Marilou C. Verbo at Barangay Secretary Reysie M. Dorado.
👏 Maraming salamat sa ating mga BNS, Health Workers, participants, at sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na aktibidad na ito!
Kalusugan ay yaman—wastong nutrisyon, para sa mas malusog na pamilya at komunidad! 💚🥗