08/10/2026
TINGNAN | Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Lal-lo sa pagsasagawa ng 2026 Search for Environmentally Responsive Schools sa iba't ibang paaralan sa munisipalidad bilang bahagi ng pagpapatuloy ng evaluation para sa Clean and Green Program.
Muling sinuri ng evaluation team ang mga gulayan at iba pang bahagi ng mga paaralan upang makita ang kalagayan ng mga halaman, paraan ng pag-aalaga at pagkakaayos ng mga ito, gayundin ang kalinisan at kaayusan ng paligid.
Sa isinagawang pagsusuri, nakapanayam din ang ilang mag-aaral upang malaman ang kanilang kaalaman tungkol sa paghahalaman, pangangalaga sa kalikasan, at pagpapanatili ng malinis at luntiang kapaligiran sa kanilang paaralan.
Bahagi ito ng Clean and Green Evaluation 2026 ng LGU Lal-lo, na naglalayong hikayatin ang mga paaralan at barangay na ipagpatuloy ang kanilang mga gawaing pangkalinisan at pangangalaga sa kapaligiran.