Municipal Government of Lambayong

Municipal Government of Lambayong This is the official page of the Local Government Unit of Lambayong. Stay updated on the programs and services of LGU Lambayong. Angat Lambayong!
(1)

Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang kauna-unahang Farmers' Forum sa Bayan ng Lambayong.Dinaluhan ang nabanggit na a...
28/08/2024

Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang kauna-unahang Farmers' Forum sa Bayan ng Lambayong.

Dinaluhan ang nabanggit na aktibidad nina Department of Agriculture Regional Office 12 Director Roberto T. Perales, National Irrigation Administration Regional Office 12 Regional Manager Diosdado A. Rosales, TAO Seeds Corporation President and CEO Julio Sy, Jr., at mga opisyales ng iba't-ibang irrigators association sa Bayan ng Lambayong.

Bago isinagawa ang nabanggit na forum sa Datu Kusay Hall ng bagong munisipyo, ay nagsagawa muna ng farm visitation sa demo of farm ng TAO SEEDS CORPORATION sa Barangay Palumbe.

Inisyatibo ni Mayor Ferdinand "Andy" G. Agduma ang nabanggit na forum kung saan tinalakay ang iba't-ibang mga hakbang na gagawin ng Lokal na Pamahalaan ng Lambayong, Department of Agriculture, NIA, at TAO Seeds Corporation upang mapalago ang rice industry ng Lambayong, na itinuturing na rice granary ng Rehiyon Dose.

Ayon kay Mayor Andy, target ng LGU-LAMBAYONG at TAO Seeds Corporation na gawing Hibreed Rice production capital of Region 12 ang bayan ng Lambayong sa pamamagitan ng palalagda ng kasunduan sa pagitan ng nabanggit na kompanya at mga magsasakang LambayongeƱo, upang tamnan ng hibreed rice ang mahigit sa labing anim na libong ektaryang palayan sa ating bayan, at pagpapatayo ng isang modernong rice processing facility dito.

OUR DREAMS SHALL NEVER DIE, OUR DREAMS SHALL COME TRUE!!!
ANGAT LAMBAYONG!!!!!

27/08/2024

Sa mga nanalo sa raffle last week Kunin nyo na premyo nyo dito sa Mayor's Office.

Pinulong ngayong araw ni Mayor Ferdinand "Andy" G. Agduma ang mga opisyales ng iba't-ibang irrigators association sa buo...
22/08/2024

Pinulong ngayong araw ni Mayor Ferdinand "Andy" G. Agduma ang mga opisyales ng iba't-ibang irrigators association sa buong Bayan ng Lambayong upang ilahad sa kanila ang isang napakagandang oportunidad para sa mga magsadaka sa ating bayan.

Kasama ni Mayor Andy sa naturang pagpupulong ang mga kawani ng TAO SEEDS CORPORATION, isa sa pinakamalaking agricultural company sa bansa, na maglalagak ng malaking puhunan para sa rice industry ng Lambayong, na inaasahang makakatulong ng malaki sa mga magsasaka ng palay at magbibigay ng maraming trabaho sa ating mga kababayan.

Ayon sa mga tauhan ng TAO SEEDS CORPORATION, gagamitin nila ang libo-libong ektaryang palayan sa Bayan ng Lambayong para sa kanilang Hi-breed rice seed production sa pamamagitan ng isang kasunduan sa pagitan ng nabanggit na kompanya at mga magsasaka sa ating bayan.

Dalawang kasunduan ang maaaring pagpilian ng ating mga kababayan, ang rental at growership schemes. Sa rental scheme, aarkilahan ng kompanya ng P45,000.00 ang isang ektaryang palayan sa loob ng isang cropping season samantalang sa growership scheme naman ay bibilhin ng kompanya ang produkto ng ating mga kababayan sa halagang P60.00 bawat kilo at kung lalampas naman sa dalawang tonelada ang maaani ay bibilhin nila ito sa halagang P65.00 at karagdagang P8,000.00 para sa R-Cut.

Sa ilalim din ng growership scheme ay pahihiramin ng kompanya ang mga magsasaka ng hanggang P40,000.00 para sa kanilang farm inputs per cropping ng walang interes.

Ang lahat ng ito ay bunga ng mga pagsisikap ng ating mahal na Mayor Andy Agduma upang mai-ANGAT Ang pamumuhay ng ating mga kababayang LambayongeƱo.

OUR DREAMS SHALL NEVER DIE,
OUT DREAMS SHALL COME TRUE!
ANGAT LAMBAYONG!!!!!!

22/08/2024

Sa mga nanalo sa raffle kanina, kunin nyo nlang sa Martes sa Mayor's Office Ang premyo nyo dami kasing scammer na gustong magclaim sa GCASH

Congratulations sa mga nanalo sa ating pa raffle!!! Better luck next time sa mga hindi pinalad. Patuloy po nating i-like...
22/08/2024

Congratulations sa mga nanalo sa ating pa raffle!!! Better luck next time sa mga hindi pinalad. Patuloy po nating i-like at i-share ang page na ito para lagi tayong updated sa mga proyekto at programa ng Lokal na Pamahalaan ng Lambayong sa pamumuno ni Mayor Ferdinand "Andy" G. Agduma.

ANGAT LAMBAYONG!!!

Abangan Ang ating LIVE raffle draw mamayang hapon sa page mismo na ito. ANGAT LAMBAYONG!!!!!
22/08/2024

Abangan Ang ating LIVE raffle draw mamayang hapon sa page mismo na ito.

ANGAT LAMBAYONG!!!!!

Lahat ng magku-comment kung sino Ang nasa tabi ni Senator Imee Marcos ay may tsansang manalo sa raffle ng P3,000.00. Kasali din sa raffle Ang magsi-share at magri-react.

Announcement of winner: Huwebes, Ika-22 ng Agusto, 2024

GO NA KAPAMILYA!!

ANGAT LAMBAYONG!!!!

Lahat ng magku-comment kung sino Ang nasa tabi ni Senator Imee Marcos ay may tsansang manalo sa raffle ng P3,000.00. Kas...
20/08/2024

Lahat ng magku-comment kung sino Ang nasa tabi ni Senator Imee Marcos ay may tsansang manalo sa raffle ng P3,000.00. Kasali din sa raffle Ang magsi-share at magri-react.

Announcement of winner: Huwebes, Ika-22 ng Agusto, 2024

GO NA KAPAMILYA!!

ANGAT LAMBAYONG!!!!

Magkasunod na isinagawa ngayong araw Ang Municipal Peace and Order Council (MPOC), Municipal Disaster Risk Reduction and...
20/08/2024

Magkasunod na isinagawa ngayong araw Ang Municipal Peace and Order Council (MPOC), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), at Municipal Development Council (MDC) Meeting ng LGU-Lambayong.

Pinangunahan ang nabanggit na pagpupulong ni Mayor Ferdinand "Andy" G. Agduma bilang chairman ng tatlong nabanggit na komite at dinaluhan ng mga Sangguniang Bayan Members, mga kapitan ng barangay, Heads of Office ng LGU-Lambayong, at mga kasapi ng Civil Society Organizations, kung saan tinalakay Ang mga prayoridad na mga proyekto at programa ng Lokal na Pamahalaan ng Lambayong na nakatuon sa pagpapaunlad ng mga imprastraktura, kalusugan, edukasyon, kalikasan, agrikultura, social services, pangangalaga sa kalikasan, at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan, tungo sa tuloy-tuloy na PAG-ANGAT ng mahal nating bayan.

ANGAT LAMBAYONG!!!!!!

Sa loob lamang ng maikling panahon ay binago ni Mayor Ferdinand "Andy" G. Agduma Ang Mukha ng bayan ng Lambayong, at ito...
19/08/2024

Sa loob lamang ng maikling panahon ay binago ni Mayor Ferdinand "Andy" G. Agduma Ang Mukha ng bayan ng Lambayong, at ito ay magpapatuloy hangga't sya ang nakaupong alkalde ng ating bayan.

Ganyan kapag ang isang lider ay tapat sa kanyang tungkulin at tunay na may malasakit sa kanyang mga nasasakupan.

OUR DREAMS SHALL NEVER DIE, OUR DREAMS SHALL COME TRUE!!!
ANGAT LAMBAYONG!!!!

18/08/2024

Tinatawagan lahat ng mga gustong matuto at gustong maging referee!

Merong gaganaping 1st Training / Seminar ang Samahang Basketball ng Pilipinas na hatid sa ating ng ating Mayor, Hon. Ferdinand Agduma.

Ito po ay gaganapin sa Midtapok covered court sa August 21-22, 2024. Libre po ang registration.

16/08/2024

Ipina-grader ni Mayor Andy Agduma Ang kalsada sa ating pamilihang bayan para mapaganda ito at maging komportable ang ating mga kababayang mamimili.

ANGAT LAMBAYONG!!!!!

Tips kung paano maiiwasan ang African Swine Fever (ASF)Paalala mula kay Mayor Ferdinand "Andy" G. AgdumaANGAT LAMBAYONG!...
05/08/2024

Tips kung paano maiiwasan ang African Swine Fever (ASF)

Paalala mula kay Mayor Ferdinand "Andy" G. Agduma

ANGAT LAMBAYONG!!!

Address

Lambayong
9802

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Government of Lambayong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Government of Lambayong:

Share