Barangay Kabulakan

Barangay Kabulakan PM for more inquiries

KabulakanWalang Gutom Redemption July 28, 2026- Sports Complex July 29, 2026-Tennis CourtPainform po mga benes. Thank yo...
26/07/2026

Kabulakan
Walang Gutom Redemption
July 28, 2026- Sports Complex
July 29, 2026-Tennis Court

Painform po mga benes. Thank you

25/07/2026

UPLIFT of Barangay Kabulakan update:

Schedule of release: July 30, 2026
Saan: Sports Complex, Didtaras

Ano pong dapat namin gawin bago ang release date?
✅ Mag-install ng egov app at mag register dahil NO E-GOV, NO PAYOUT.

✅ Secure your GCash account or bank account. (Nasa last picture ang authorized banks)

Paano po mag-register sa E-Gov?
✅Maga-upload po ako mamaya ng step-by-step pictures at tutorials.

✅ Maaari din po kayong magpatulong sa mga Sangguniang Kabataan Members na nasa inyong purok o sa Barangay Hall. Magpunta lamang ng personal dahil kailangan ang verification at dalhin ang inyong cellphone at valid ID.

Mga dapat dalhin during payout:
✅ National ID (Pwede yung laminated copy)
✅ Dalawang (2) Photocopies of National ID na may tatlong (3) signatures kada pahina.
✅If possible, magdala ng cellphone na may E-gov app at naka-log in na ang inyong egov account para buksan na lang pagdating doon. Provide your own internet/data.
✅ Bring birth certificate, marriage certificate or death certificate for verification. (Hindi po ito primary requirements pero dapat dalhin para sure na di na magpabalik-balik)

Wala po akong National ID, anong dapat gawin?
✅ Register sa egov, generate your National ID, screenshot at ipa-print para mas mabilis pagdaging ng payout.
✅ Pwede ding magdala ng government-issued ID as long as di pa expired at registered ka na sa E-gov pero mas madami pang steps during payout.

Hindi po Taga Kabulakan o Lambayong ang address ko sa National ID ko:
✅ No problem po.

May 4Ps at Walang Gutom po ako, maaari ko po bang makuha ang UPLIFT ko?
✅ Bawal po ang 4Ps or Walang Gutom members sa UPLIFT kahit lumabas pa po ang names niyo sa list. Whether ikaw na beneficiary or asawa mo ang nasa list, as long as may 4Ps or Walang Gutom ang isa sa mga household members ninyo, automatic tagged na po kayo sa system ng National Government.

✅ Sa 1st tranche po, maaaring maka-payout. Pero expect na di na po makakasali sa 2nd tranche at possible na maalis din kayo sa 4Ps o Walang Gutom Program.

✅ Release at your own risk. Reminders at announcements lang po itong amin, nasa inyo po ang choice.

Newly validated na 4Ps member po ako pero hindi pa po ako grantee, pwede ko po bang kunin ang aking UPLIFT?
✅ OPO. Basta di pa po nakakatanggap ng ayuda mula 4Ps ay maaari pa pong mag-claim ng UPLIFT. Pero kapag existing member na po ay hindi na po puwede. Release at your own risk.

Nasa abroad/nasa malayo po ako, sinong pwede kumuha?
✅ Pwede pong kunin ng magulang o mga kapatid (if single), asawa or legal age na mga anak AS LONG AS KASALI SILA SA LISTAHAN NG HOUSEHOLD MEMBERS NINYO DURING CBMS INTERVIEW NOON.

✅ Huwag ma-rattle during payout, sabihin na: "Ma'am/Sir, ako po ang beneficiary ni (sabihin ang name na nakalagay sa listahan), ako po ang (sabihin ang relationship mo sa nakalagay sa listahan)
Halimbawa: "Ma'am/Sir, ako po ang beneficiary ni Juan Dela Cruz. Ako po ang kanyang asawa."

Ako po ang kukuha ng UPLIFT ng magulang/anak/asawa/kapatid ko, kaninong ID ang dapat kong dalhin at sinong dapat i-register sa GCash at E-gov?
✅ Kayo po na kukuha (authorized representative ng beneficiaries).

Mali po ang spelling ng pangalan ko, may kaibahan sa ibang pangalan ko o mali ang birthdate ko:
✅ Maaari po itong ipa-correct ON SITE DURING PAYOUT. Nandoon po ang PSA.

Pareho po kaming wala ng asawa ko at ang menor de edad po naming anak ang tanging beneficiary na nakalagay sa Household Member namin during CBMS interview, makukuha po ba namin?
✅ Hindi po. Bawal po ang menor de edad mag-claim.

Noong nag-interview po ang CBMS kasali po ako sa Household Member ng asawa/live in partner ko pero hiwalay na po kami ngayon, pwede po bang ako ang kukuha dahil minor pa ang anak namin?
✅ Pwede basta nasa roster ka ng household members ni beneficiary.

✅ Magdala lamang ng proof of relationship tulad ng birth certificate ng anak o iba pang documents na nagpapatunay ng naging relasyon ninyong dalawa.

Bakit hindi po lumabas ang pangalan ko sa list ng Barangay Kabulakan.
✅ Ang listahan na ito ay mula po sa CBMS. Hindi sa Barangay, Munisipyo or Province.

✅ Maaaring nasali sa ibang Barangay ang inyong pangalan. Mainam na i-follow ang page ng Municipal Social Welfare and Development Office-Lambayong para sa pangkalahatang listahan.

May mga katanungan pa po ako, saan po ako pwedeng magtanong?
✅ Maaari niyo pong i-comment ang inyong katanungan, maaari din po kayong mag-chat sa Brgy. Local Government of Kabulakan or maaari po kayong pumunta sa Brgy. Hall during Office hours, Salamat.

TANDAAN: Kapag ang asawa o miyembro ng Household ay nasa 4Ps o Walang Gutom Program, automatic DQ ang nasa UPLIFT at possible na ma-trace kayo ng PSA dahilan upang matanggal kayo sa both programs. Again, release at your own risk. Reminders lang po itong amin, nasa inyo pa din ang choice kung kukunin ninyo ang UPLIFT or stay kayo sa programs kung saan belong kayo ngayon.

Tandaan din po na irreplaceable ang mga beneficiaries. Kapag di po kayo qualified na mag-avail ng UPLIFT dahil sa mga rason na nabanggit sa itaas ay hindi po mapapalitan ng kahit na sino, maging ng Barangay o Munisipyo, ang beneficiaries. Automatic po yan na babalik sa National Government.

Barangay Kabulakan Possible Beneficiaries for UPLIFT Program under DSWD                                                 ...
23/07/2026

Barangay Kabulakan Possible Beneficiaries for UPLIFT Program under DSWD Paalala: ito ay para sa POOR & NEAR POOR CATEGORY(hindi 4Ps, Walang Gutom Program)
-Ang list ay ipinadala ng DSWD sa mga Barangay at ang tungkulin lamang ng Barangay ay upang ipaalam sa mga nakasama sa listing ang ang iskedyul ng payout, lugar, at mga need na documents.
-Hindi ang Barangay ang gumagawa ng listahan ang Batayan ng DSWD ay ang Community-Based Monitoring System(CBMS)
-Bago ang payout magsasagawa ang DSWD ng VALIDATION & DEDUPLICATION upang matiyak ang kwalipikadong benepisyaryo lamang ang makatanggap.
-Ito ang mga listahan ng Brgy. Kabulakan

🏀 Basketball Clinic Today! 🏀Inaanyayahan ang lahat ng kabataan ng Barangay Kabulakan na makiisa sa ating Basketball Clin...
13/04/2026

🏀 Basketball Clinic Today! 🏀

Inaanyayahan ang lahat ng kabataan ng Barangay Kabulakan na makiisa sa ating Basketball Clinic ngayong araw! ⛹️‍♂️🔥

📍 Venue: Barangay Kabulakan Covered Court
🕒 Oras: Ngayong araw

Halina’t matuto ng tamang dribbling, shooting, at teamwork mula sa ating mga coaches! Hindi lang ito para sa laro, kundi para sa disiplina, pagkakaibigan, at pag-unlad ng bawat kabataan. 💪

Kita-kits tayo mamaya! Dalhin ang inyong energy at passion sa basketball! 🏀✨

📢 PUBLIC ANNOUNCEMENTIn observance of the Day of Valor (Araw ng Kagitingan), please be informed that:❗ NO TRANSACTION FO...
08/04/2026

📢 PUBLIC ANNOUNCEMENT

In observance of the Day of Valor (Araw ng Kagitingan), please be informed that:

❗ NO TRANSACTION FOR TODAY ❗

This is to give way in honoring the bravery and heroism of our Filipino soldiers.

📍 Barangay Kabulakan

We kindly ask for your understanding and cooperation.
Thank you.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa ating Medical Mission sa Barangay Kabulakan! 💚Isang taos-pusong pasasalamat din s...
07/04/2026

Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa ating Medical Mission sa Barangay Kabulakan! 💚
Isang taos-pusong pasasalamat din sa ating mga doctors, nurses, midwives, BHWs, Barangay officials at volunteers na walang sawang nagbibigay-serbisyo. Dahil sa inyo, naging matagumpay ang araw na ito! 🩺👩‍⚕️👨‍⚕️🙏

🩸 Blood Letting ActivityTara at tumulong magligtas ng buhay! Ang isang donasyon ng dugo ay malaking tulong para sa mga n...
07/04/2026

🩸 Blood Letting Activity
Tara at tumulong magligtas ng buhay! Ang isang donasyon ng dugo ay malaking tulong para sa mga nangangailangan. ❤️
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa ating mga taga–medical field—mga doktor, nurses, medtechs, at volunteers—sa inyong pagkuha ng dugo at walang sawang serbisyo para sa komunidad. 🙏👩‍⚕️👨‍⚕️

📢 ANNOUNCEMENTPara sa lahat ng residente ng Barangay Kabulakan:📍 Bukas ay magkakaroon po tayo ng mga libreng serbisyo pa...
06/04/2026

📢 ANNOUNCEMENT
Para sa lahat ng residente ng Barangay Kabulakan:

📍 Bukas ay magkakaroon po tayo ng mga libreng serbisyo pangkalusugan na gaganapin sa Barangay Gym.

🩸 BLOOD LETTING ACTIVITY
🕗 Sa umaga — Inaanyayahan ang lahat ng nais mag-donate ng dugo.

🏥 MEDICAL MISSION
🕒 Sa hapon — Kasama ang mga sumusunod na libreng serbisyo:
• Tuli
• Dental Service
• Medical Check-up

📩 Para sa anumang katanungan, i-message lamang po kami.

Inaanyayahan po namin ang lahat ng taga-Barangay Kabulakan na makibahagi at makinabang sa mga programang ito.

Maraming salamat!
— Barangay Kabulakan

📢 ANUNSYO 📢Magandang araw po sa lahat!Ang Barangay Kabulakan ay magkakaroon ng Blood Donation Drive at Medical Mission s...
03/04/2026

📢 ANUNSYO 📢

Magandang araw po sa lahat!

Ang Barangay Kabulakan ay magkakaroon ng Blood Donation Drive at Medical Mission sa darating na April 7.

Inaanyayahan po ang lahat ng mamamayan na makiisa at makibahagi sa gawaing ito na naglalayong makatulong sa ating komunidad, lalo na sa mga nangangailangan ng dugo at serbisyong medikal.

📍 Lugar: Barangay Gym
📅 Petsa: April 7
⏰ Oras: 8:00 AM – 12:00 NN

Para sa mga nais mag-donate ng dugo, siguraduhing kayo ay nasa mabuting kalusugan at may sapat na pahinga.

📩 Para sa karagdagang impormasyon, mag-PM lamang.

Halina’t magtulungan para sa kalusugan at kapakanan ng bawat isa!

Maraming salamat po.

Address

Purok 3, Kabulakan, Sultan Kudarat
Lambayong
9802

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Kabulakan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share