12/06/2026
Isang malaking karangalan at bihirang oportunidad na mapasama ang isa sa ating kabarangay na si Jhonny Balang sa ganitong programa na may partikular na kinalaman sa pagtatanim at produksyon ng kape.
Bagaman ang pagtatanim ng kape sa ating lugar ay hindi na bago dahil noon pa man naging produktibo na ang ating lalawigan ng Basilan sa pagpapalago ng kape kahit noon pa man ngunit natigil ito bungsod ng kakulangan sa suporta mula sa ating kinauukulan.
Sana sa pagkakataong ito ay patuloy ang pagkakaroon ng mga pagsasaliksik at suportang teknikal sa mga lokal na magtatanim ng kape dito sa ating lalawigan partikular na sa ating Barangay.