02/07/2026
๐ฃ๐๐ฆ๐๐๐ข ๐ก๐ | ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ด๐ฒ ๐ข๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป, ๐ข๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎโ
โ
โSa ika-42 Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Basilan nitong Hulyo 1, 2026, opisyal nang naipasa sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang ordinansang pinamagatang โ๐๐ฏ ๐๐ณ๐ฅ๐ช๐ฏ๐ข๐ฏ๐ค๐ฆ ๐๐ณ๐ฐ๐ท๐ช๐ฅ๐ช๐ฏ๐จ ๐ง๐ฐ๐ณ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐ณ๐ฐ๐ต๐ฆ๐ค๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ, ๐๐ฐ๐ฏ๐ด๐ฆ๐ณ๐ท๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ณ๐ฐ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ฐ๐ง ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐ช๐ด๐ต๐ฐ๐ณ๐ช๐ค๐ข๐ญ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ถ๐ญ๐ต๐ถ๐ณ๐ข๐ญ ๐๐ฆ๐ณ๐ช๐ต๐ข๐จ๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐ณ๐ฐ๐ท๐ช๐ฏ๐ค๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐๐ข๐ด๐ช๐ญ๐ข๐ฏ, ๐๐ด๐ต๐ข๐ฃ๐ญ๐ช๐ด๐ฉ๐ช๐ฏ๐จ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐ข๐ด๐ช๐ญ๐ข๐ฏ ๐๐ฆ๐ณ๐ช๐ต๐ข๐จ๐ฆ ๐๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ค๐ช๐ญ, ๐๐ณ๐ฐ๐ท๐ช๐ฅ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ด ๐๐ฉ๐ฆ๐ณ๐ฆ๐ง๐ฐ๐ณ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ณ๐ฐ๐ท๐ช๐ฅ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ฆ๐ฏ๐ข๐ญ๐ต๐ช๐ฆ๐ด ๐ง๐ฐ๐ณ ๐๐ช๐ฐ๐ญ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ๐ด ๐๐ฉ๐ฆ๐ณ๐ฆ๐ฐ๐ง,โ na inakda ni Board Member Ahmed Ibn Djaliv T. Hataman.
โ
โMatapos itong dumaan sa committee deliberations, una, ikalawa, at ikatlong pagbasa, ganap nang inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang panukala. Layunin nitong magtatag ng mas matibay na mekanismo para sa pangangalaga, konserbasyon, at pagsusulong ng makasaysayan at kultural na pamana ng Basilan sa pamamagitan ng Basilan Heritage Council, paglalaan ng kaukulang pondo, at pagpapatupad ng mga hakbang na magtitiyak sa proteksyon ng mga heritage sites at cultural assets ng lalawigan.
โ
โAng pagpasa ng ordinansang ito ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng Sangguniang Panlalawigan at ng Office of Board Member Amin T. Hataman na pangalagaan ang mayamang kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan ng mga Basileรฑo. Higit pa sa pagiging isang panukalang batas, ito ay isang hakbang tungo sa institusyonalisadong pangangalaga sa ating mga pamana upang matiyak na mananatili itong buhay, kinikilala, at maipapamana sa mga susunod na henerasyon.
โ
โ
โ
โ