07/09/2026
๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ๐, ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐, ๐๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐๐๐ค๐๐๐ฌ๐ญ ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ค๐๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐ฌ๐ข ๐๐จ๐ฏ. ๐๐๐ญ๐๐ฆ๐๐ง
Pinangunahan ni Peopleโs Governor Mujiv S. Hataman ang lingguhang breakfast meeting kasama ang mga department heads ng Provincial Government of Basilan at mga kinatawan ng Basilan-based BARMM ministries, agencies, at offices, Setyembre 7, sa Taguime Conference Room, Basilan Government Center, Sta. Clara, Lamitan City.
Isa sa mga tinalakay ang Poverty Incidence Rate (PIR) ng Basilan, na inilahad ni Sadar Saharin, Statistician I mula sa Provincial Planning and Development Office. Batay sa presentasyon, bumaba ng 55.9 percentage points ang poverty incidence ng Basilan, mula 66.3% noong 2018 tungo sa 10.4% noong 2025.
Sa naturang breakfast meeting, personal ding tinanggap ni Gov. Hataman si Ibrahim Luna Edris, 27, na nagligtas sa isang pasahero matapos itong mahulog sa dagat mula sa isang vessel noong nakaraang linggo.
Bilang pagkilala sa kanyang katapangan, nagpaabot si Gov. Hataman ng financial assistance at inalok siya ng Job Order position sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Si Edris, na panganay sa tatlong magkakapatid, ay pinasalamatan ni Gov. Hataman sa kanyang mabilis na pagkilos at tapang na nakatulong upang mailigtas ang kapwa Basileรฑo.
Tinalakay rin sa meeting ang ibaโt ibang ongoing programs at proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan para patuloy na matugunan ang mga pangangailangan ng mga Basileรฑo.
Sa pamumuno ni Gov. Hataman, patuloy na pinag-uugnay ang mga programa at hakbang ng pamahalaan upang mas mapalakas ang serbisyo para sa mga Basileรฑo.