21/05/2026
Abante Negosyante Module 3: DONE! ✅
Sa patuloy na pag-arangkada ng 4-Module Capacity Development Training ng Abante Negosyante, matagumpay na naisagawa ng Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO) ng Lamitan City ang ikatlong bahagi ng pagsasanay!
Para sa Module 3, mas pinalalim pa ang kaalaman ng ating mga lokal na negosyante sa Marketing and Operations ng kanilang negosyo:
📝Digital Marketing and Branding 📱✨
Ibinahagi ni Ms. Joan S. Jalmaani, ang Digital Transformation Center Manager ng lungsod, ang kahalagahan ng tamang pagpoposisyon ng brand at paggamit ng digital platforms sa modernong panahon.
📝Bookkeeping, Pricing, and Costing 📊✍️
Isang komprehensibong talakayan at hands-on workshop naman ang pinangunahan ni Mr. Asriff G. Tindick, Senior TIDS-ETD ng MTIT Basilan, kung saan aktibong natuto ang mga kalahok sa tamang pag-record ng cashflow at tamang pagpepresyo ng produkto.
💡 Gusto mo rin bang umabante ang iyong negosyo? Don't miss out! Mag-register na sa LAST MODULE kung saan pag-uusapang naman ang various assistance at financing opportunties apra sa MSME's.
🔗 I-click ang link na ito para mag-register: https://forms.gle/rdLjZvMH6Tr7KV5B6