18/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐; ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Sa direktiba ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) ang drayber ng isang pribadong sasakyan at rider ng motorsiklo matapos masangkot sa isang insidente ng road rage sa San Mateo, Rizal.
Batay sa video na ibinahagi sa page ng โMy Ride PH,โ makikita ang isang babaeng back rider na nasa harapan ng pribadong sasakyan habang nakikipagtalo sa drayber nito. Makikita rin ang rider ng motorsiklo na nakapuwesto ng pahiga sa inner lane at naririnig na bumibigkas ng mga salitang nakasasakit laban sa nasabing drayber. Kapwa lumilitaw na nasangkot ang mga ito sa isang vehicular accident na nauna sa naturang pagtatalo.
Dahil dito, agad na isinailalim ng LTO sa administratibong imbestigasyon ang mga sangkot upang matukoy ang mga pangyayari at posibleng pananagutan kaugnay ng insidente.
Pinahaharap ng LTO ang drayber ng pribadong sasakyan sa Intelligence and Investigation Division (IID) upang magbigay ng sinumpaang paliwanag kaugnay ng posibleng paglabag sa Reckless Driving at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.
Samantala, pinahaharap din ang rider ng motorsiklo sa IID kaugnay ng posibleng paglabag sa Reckless Driving, Compulsory Registration of Motor Vehicles, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.
Bilang bahagi ng imbestigasyon, isinailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driverโs license ng dalawang sangkot at inatasan silang isuko ang kanilang mga lisensya sa IID. Inilagay rin sa alarm status ang mga sangkot na sasakyan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
โHindi natin dapat hinahayaan na ang anumang away o pagtatalo sa kalsada ay mauwi sa sitwasyong maaaring maglagay sa panganib sa ibang motorista at road users. Kailangang pairalin ang disiplina at pananagutan sa bawat insidente. Kung may paglabag, pananagutin natin ang mapatutunayang sangkot alinsunod sa batas,โ pahayag ni Asec. Lacanilao.
Patuloy na pinaaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na pairalin ang disiplina, pag-iingat, at pagpipigil sa sarili sa kalsada. Anumang pagtatalo o insidente sa daan ay dapat resolbahin sa maayos at legal na paraan at hindi sa pamamagitan ng mga kilos na maaaring magdulot ng panganib sa ibang motorista at road users.
Tiniyak ng LTO na patuloy nitong aaksyunan ang mga insidenteng maaaring magbanta sa road safety at pananagutin ang sinumang mapatutunayang lumabag sa mga umiiral na batas at regulasyon.