04/09/2026
Arestado ang isang 26-anyos na Street-Level Individual sa isinagawang buy-bust operation ng Laoag City Police Station. Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 9.1 na gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na PhP59,160.00, kasama ang iba pang mga ebidensya. Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Sections 5,11 at 12, Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.